Iwas budol tips ng Tambalan

July 23, 2021

Maganda talaga ang kwentuhan kapag relate na relate tayo sa topic ng pinag-uusapan. At para sa Facebook live na ito, relate ka Kabisyo dahil usapang online selling at online shopping sina Nicole Hyala at Chris Tsuper.

Bilang isang buyer, nakaranas na ng disappointment si Chris Tsuper sa kanyang huling purchase. Binili niya ang isang item ngunit hindi maganda ang quality ng dumating sa kanya. So, ang tip ni Chris Tsuper, silipin muna ang reviews bago mag-check out para makasiguro ka.

Bilang isang seller din naman, sharing ni Nicole Hyala na dapat natutugunan ng isang seller ang needs ng mga buyer. Kung damit naman ang binebenta katulad niya, obligasyon niya magbigay ng tamang size.

So, maganda ‘to noh, Kabisyo, perspective ng seller at ng buyer. Parehong may responsibility. Dapat alam natin ito. Give and take lang dapat Kabisyo.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.