Hindi maka-gora ang Tambalan

May 10, 2021

Ang Facebook Live ng Tambalan na ito ay ginawa ilang araw bago mag-Holy Week noong April. May announcement na noon na magkakaroon ulit ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

So, ‘di ba aminin mo, Kabisyo, na nalurkei ka rin noong mga panahon na ‘yun na may ECQ ulit. Hindi ka pa pala makakapag-bakasyon. Hindi ka pa pala malaya 100%. And kung titingnan nga naman, hanggang ngayong nasa Modified ECQ pa rin tayo.

Paalala lamang sa’tin Kabisyo na iba ang sitwasyon ngayon kumpara noong nakaraang taon. Dapat mas maging maingat tayo ngayon dahil pami-pamilya ang nagkakaroon ng virus, pati na rin ang mga opisina, dahil ‘yan sa mga variants ng virus. At punong puno pa ang mga ospital ngayon.

Tiis-tiis muna talaga Kabisyo. Mag-ingat ka lagi. ‘Wag ka nang magalit kung hindi matuloy ang mga plano niyo.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.