Bilib sa mga artista ang Tambalan

May 13, 2021

Dahil naging laman ng usapan ng Tambalan ang MBC Short Film Festival ng Manila Broadcasting Company, medyo naging usapang artista ang Tambalan.

Napag-usapan ng Tambalan ‘yung mga pinagdadaanan ng mga artista. ‘Yung mga paghahanda na ginagawa nila. ‘Yung mga pagkabisado nila ng mga linya. ‘Yung pagma-makeup nila. ‘Yung pag-arte nila. ‘Yung pagharap nila sa camera, at marami pang iba.

Nakakabilib daw ang mga ito sabi ng Tambalan. At sa kabilang banda, alam din naman ng Tambalan ang ganitong sitwasyon. Hindi man sila artista na lumalabas sa TV or sa mga teleserye, ‘yung pagpasok ng radio industry sa digital ay para ring pag-aartista.

Kakaiba din ang mga pinagdaraanan ng mga DJ tulad nina Chris Tsuper at Nicole Hyala sa pagsasagawa ng mga Facebook Live, pagho-host, pagsasagawa ng mga promo, pag-shooting ng mga branded content at marami pang iba.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.