Dibdiban ang LOVEan: Si Rachel Alejandro at ‘Takipsilim’

May 4, 2021

Yes Kabisyo, featured nga sa Dibdiban ang LOVEan ang isa sa mga paborito mong singer noong 1990s na si Ms. Rachel Alejandro.

Sa kanyang interview, ibinahagi ni Rachel ang pandemic journey niya sa United States. Sampung buwan din siya na-stuck sa New York dahil sa pandemic. Nag-stay siya doon dahil sa trabaho ng kanyang asawa. Hindi raw siya sanay na walang ginagawa. First time niya raw na-experience na siya ay total na taong bahay. Naging chance rin ang journey nila sa US na laging maging magkasama na hindi nila nagagawa noong una.

Naranasan din ni Rachel na makapagsara ng kanyang business. Mahigit isang buwan din sila nakapagsara para ma-figure out kung anong solution ang maaaring gawin para sa kanilang mga empleyado.

Pati ang kanyang diet ay na-maintain niya kahit na nakakulong sa bahay. Iba raw ang kanyang kain kapag may mga upcoming projects. Normal na kain ang kanyang ginagawa kapag wala namang events. Advice niya, eat anything you want as soon as healthy ang mga ito at lagyan ito ng variety.

Mayroong bagong single si Rachel Alejandro ngayon. Ang title nito ay ‘Takipsilim.’ Isa itong malungkot na kanta ngunit nagbibigay pa rin ng pag-asa sa panahong ito ng pandemya. Ang kantang ito ay bunga ng isang online contest. Nagwagi sa contest na ito ay ang 19-year old na so Rain Santana na lubos na nagustuhan ni Rachel ang pagkaka-compose ng kanta.

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.