Dibdiban ang LOVEan: Gusto ng Suzara na ‘Magkakasama Tayong Muli’

June 14, 2021

Kabisyo, tampok sa latest episode ng Dibdiban ang LOVEan with Tanya Chinta ang Suzara! Binubuo ‘yan nila Top Suzara at Balochi.

Sa interview na ito, dahil sa mga pangyayari na hindi natin inaasahan, hindi nakasama si Balochi.

Pero binusog naman ni Top Suzara ang maulang hapon kahit na siya ay nasa gitna ng kalsada.

Parang magkapatid na umano ang dalawa. At kahit na may quarantine noong isang taon, ay nakagawa pa rin sila ng kanta. Ito raw ay bunga ng mga biglaan.

Binigyang importansiya rin ni Top Suzara ang benepisyo ng mga online gigs. Ang mga online concerts, online shows ay nagiging daan rin umano ng mga fundraisers na lubhang nakakatulong sa mga nangangailangan kahit na may pandemya.

Nitong nakaraang taon, dahil sa kaliwa’t kanang mga quarantine ay naging abala naman daw si Top Suzara sa mga recording sa kanilang bahay. Naging tagalinis din daw siya ng bahay at certified dishwasher. Pero bukod diyan,  naging hobby niya rin ang pets tulad ng iguana, pagong, aso at mga pusa.

TOUGH 5 QUESTIONS

Kung invinsible daw si Top Suzara, i-stalk niya daw ang kanyang crush na artista, si Monica Bellucci, isang international actress. Gusto niya ring i-stalk si Pope Francis para raw maka-access siya sa Vatican archives at catacombs.

Kung papipiliin naman siya between magandang hitsura o magandang ugali, mas pipiliin niya raw ang magandang ugali. Dapat sa pagtingin daw ng ganitong bagay, extreme dapat ang approach. Kumbaga, ‘yung magandang ugali, habang tumatagal ay lalo iyang gaganda at ‘iyan na rin mismo ang magpapaganda sa iyong minamahal. Naks!

Kung usaping dancer or singer naman, mas gusto ni Top Suzara ang gumigiling. Dancer!

Noon namang tinanong siya kung ano ang madalas nagpapainit sa kanya, may apat na bagay na sinabi si Top Suzara. una, ‘yung mga power trip. Sumunod ay ‘yung matapobreng tao, ‘yung mga nananakit ng hayop at ‘yung mga nagtatapon ng basura sa lansangan, lalo na ‘yung mga driver kapag trapik.

Kung mayroon man daw ‘gustong makasama ulit’ si Top Suzara, iyon daw ay ang kanyang mga magulang.

 

Kabisyo, pakinggan mo na ang single ng Suzara, ang ‘Magkakasama Tayong Muli’ at panoorin din ang music video nito na available na sa YouTube.

 

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.