Dibdiban ang LOVEan: ‘Di Na Pwede’ sabi ng Henyong Makata

May 10, 2021

Kabisyo, nandito na naman tayo sa isa na namang episode gn Dibdiban ang LOVE-an kasama si DJ Tanya Chinita!

Nitong nakaraang linggo, kasama ni Tanya Chinita ang grupong Henyong Makata. Grupo sila ng mga composer at ng mga rapper. Sila rin ang kumakanta ng mga composed songs nila.

Nagsimula ang grupo noong taong 2011 kung saan miyembro pa lamang noon ay tatlo, sina Jhayla, Lucky at Leomy. Mula naman noong 2013 ay naging lima na sila. Magkababata daw sila, mga matagal nang magkakaibigan.

Sinubukan lang nilang bumuo ng ganitong klaseng grupo. Actually, kumanta lang sila sa piyesta noong simula. Sa piyestahang ding iyon, doon nila napagkasunduan ang kanilang pangalan, “Henyong Makata.” May nagreact daw na audience at sinabi na “Ang galing nung mga makata, henyo!”

Isa sa mga sumikat nilang kanta ‘Gold Digs’ o ‘yung ‘Masaya Na ‘Ko’. Ang kantang ito ay tungkol daw sa mga gold diggers at wala na ibang alam kundi kayamanan ng partner nila. Unang sumikat daw ito sa content platform na TikTok.

May bagong hit single ang Henyong Makata, ang title nito ay ”Di Na Pwede.’ Para raw ito sa mga naging kasintahan ninyo na desidido na kayo na hindi sila balikan. ‘Di na raw pwede ang lokohan, ang malabong usapan, at ‘di na pwede ang sakitan.

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.