Dibdiban ang LOVEan: Dello, Flict-G & Dionela

March 29, 2021

 

Kabisyo! Tawang tawa nanaman si Tanya Chinita dahil nga naman napasabak sa kanyang Tough 5 ang mga nagpo-pogian nating bisitang sina Dello, Flict-G & Dionela.

Talaga nga namang kumabog ang dibdib ng mga lodi nating ito dahil nga naman tough kung tough ang mga binatong tanong sa kanila ni Tanya Chinita. Ready ka na bang malaman kung ano-anong mga parte ng picture ang zino-zoom in nina Dello, Flict-G at Dionela? Sino nga kaya sa kanila ang nag-uulit ng brief? At kung may babalikan silang ex, sino nga kaya ang napusuan nilang balikan?

At katulad ng linya sa kanta nilang “Oo Na, Kayo Na (Agaw)” na “Pwedeng bago siya lumisan, pakiusap ko sana’y pakinggan”, pinakinggan din nina Dello, Flict-G at Dionela ang ating pakiusap na gawin ang Mimiyuuuh Challenge!

Siyempre, hindi naman pwedeng hindi nila tayo pagbibigyang mag-sample ng kanta nilang “Oo Na, Kayo Na (Agaw)”. Kaya kung ready ka nang matuwa at masaktan, ‘wag ka nang magpahuli! Watch mo na ‘to, Kabisyo! Now na!!!!! HAHAHAHAHA!

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.