Dibdiban ang LOVE-an: Kiligin sa ‘Upuan’ ng Ben&Ben

July 9, 2021

Kabisyo, tampok sa Dibdiban ng Love-an with Tanya Chinita ngayong linggong ito ang paborito mong banda, ang folk-pop band na Ben&Ben!

Naku, bukod sa walang hanggang tawanan, kantahan, sayawan, interpretative dance, marami ka pang madidiskubre sa mga members ng Ban&Ben.

Nag-kwento sila ng kaunti kung saan binalikan nila ‘yung pagsisimula four years ago. Galing pa sila sa iba’t ibang mga grupo noon. After four months daw ng pagtugtog nang sama-sama, naging isa silang banda. Nasa indie scene na sila lahat noon noong sila ay mabuo at ngayon ay hindi nila akalain ang tagumpay na mayroon ang kanilang banda.

Isa pa sa ipinagmamalaki ng Ben&Ben, at malamang agree ang lahat ng kanilang fans, na kahit marami sila, siyam sila Kabisyo, hindi sila maingay. Hindi maingay, hindi makalat ang tugtog ng bandang ito.

UPUAN

“Maraming napo-fall sa friends.”

Nagsimula sa dalawang upuan na magkatabi at ngayon ay naging sila na. Maganda umano ang relationship kapag nagsisimula sa pagkakaibigan.

Refreshing ang theme nitong kanta nilang ‘Upuan.’ Sure na sure na pagkatapos mo itong pakinggan, mag-eenjoy ka.

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.