Dibdiban ang Love-an: Excited at tuloy tuloy lang ang 6cyclemind

July 20, 2021

Minsan mo na bang na-check kung kumusta na ang bandang 6cyclemind ngayong may pandemya?

Well, dito sa Dibdiban ang Love-an hosted by Tanya Chinita, unang batch ng usapan ay kumustahan. Isa sa mga popular na nagawa ni Tutti ngayong halos nasa bahay siya lagi ay ang panonood ng Kdramas. Siya daw ang uri ng tao na kapag tinanong ay ike-kwento ang lahat.

Pero aside from that, minsan na nga bang nag-away ang mga members ng 6cyclemind? Sabi nila, “Hindi nag-aaway ang 6cyclemind, nagmamahalan ‘yan.” Naks ‘di ba! Dahil diyan, expect nila na aabot sila ng year 2051 kung saan mayroon nang mga tribute at biro pa nila, ay mayroon na ring eulogy.

Naisip mo rin ba Kabisyo, kung bakit 6cyclemind ang pangalan ng kanilang banda? Lahat daw ng ginagawa na kanilang banda, kasama na ‘yung pag-compose ng kanta, ay cycle of six minds.

May gusto bang ka-collaborate ng banda? Ayon kay Tutti, kahit sino. Dahil hindi na sila masyadong nangangarap ng kung sino pa ang ka-collab dahil masyado nang malawak ang kanilang isip sa music. Sabi naman ng ibang miyembro ng banda, foreign collab daw ang masaya.

Noon namang napag-usapan ang pandemic, aminado naman ang banda na worried sila na baka tumagal na hindi sila makapag-perform. “We entertain those kinds of reality, pero dapat tuloy tuloy lang,” sabi nila. Excited na silang tumugtog ng mga bagong kanta. Pero dahil challenging pa rin ang panahon ngayon, hindi pa rin sila makapag-set ng regular na mga gig kahit online. “Nakaka-adjust kami pero never kami masasanay sa ganitong set up,” dagdag nila.

Tungkol sa kanilang latest single na “Kinsentenyal,” ipinaalala ng banda na mahalaga ang patriotism lalo na sa panahon ngayon. Composed of Raymund Marasigan, ni-release ang single na ‘to para hindi makalimot ang mga Pilipino.

Pakiusap din ng banda na suportahan sana ang kanilang bagong single dahil ang kanilang income sa kantang ito ay mapupunta sa ‘Liter of Light’ project. Paraan daw ito ng pagbawi ng banda sa lahat ng blessings na natanggap nila.

Panoorin ang buong interview dito. 

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.