Ipinanganak noong September 10, 1994, si Miguel Haleco or mas kilala bilang Migz Haleco, ay isang acoustic singer-songwriter under ng ABS-CBN music label na DNA Music.

Bago pa man pumasok sa music industry ay kilala na si Migz online dahil sa kanyang mga cover songs sa Soundcloud at Youtube.

Pasok si Migz sa iba’t ibang genres pero nakafocus siya ngayon sa pop, blues, jazz, at mga classics. ‘Yung pagka-rapsy quality ng boses niya ay nagdadala sa kanya sa venture ng pop-rock at alternative.

Gustong gusto naman ng mga fans niya ‘yung mga trademark niyang guitar riffs, crystal clear na chord progressions at ‘yung husky niya na voice style na lagi namang nakikita at naririnig sa kanyang mga gig.

Sinubukan niyang pumasok sa showbiz nang siya ay sumali sa Talentadong Pinoy noong 2006. Pagkatapos ng show na iyon, nagpatuloy siya sa pag-upload ng mga covers hanggang siya ay na-discover ni Perry Lansingan ng PPL Entertainment.

Siya ay ipinakilala sa music industry noong 2016 na isa sa mga parte ng duo nila “Migz at Maya” na under naman ng Star Music. Nag-release sila ng debut album at isa sa mga kanta doon ay ang isa nilang cover na may title na “Ambon.”

Taong 2017, nagging solo artist na si Migz at nag-release siya ng album na may title na “This” kung saan may carrier single na may title na “’Pag Ikaw ay Nagmahal.”

Sa ngayon, si Migz ay host ng programang Wander Jam sa One Music kasama si Sue Ramirez.

Nag-launch siya ng kanyang latest single na may title na “Walang Alinlangan” noong February 2019 at patuloy pang nagsusulat ng mga kanta sa DNA Music.

Maaari niyong i-follow si Migz Haleco sa kanyang official Facebook page @migzhalecoofficial .

Abangan ang susunod na paborito mong artist sa bagong episode ng 365 Live!

TEASER

<

PERFORMANCE

Bes by Migz Haleco

FULL INTERVIEW

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.