Blooming at mukhang inspirado si Sarah Geronimo nang bumisita ito sa 90.7 Love Radio para sa kanyang ika-11 na album entitled: “Perfectly Imperfect”.

Nicole Hyala: Ano ang espesyal sa album na ito? Bukod sa in-love ka sa album na iyan?

Sarah: Yung “Perfectly Imperfect” po ay ang best description po kasi para sa akin. Para sa ating lahat, actually. Dahil lahat naman po tayo ay flawed pero huwag po nating kakalimutan na lahat po tayo were made perfectly imperfect by God.

Chris Tsuper: Ano yung carrier single mo sa album na ito?

Sarah: Ang carrier single ko po ngayon ay “Kilometro”. Songwriter po nito ay si Thyro Alfaro.

Nicole Hyala: Bukod sa Kilometro yung carrier single, balita ko eto rin yung favorite mo. Bakit?

Sarah: Kasi ibang tunog, dahil mas nasa Electronic Dance Music at Pop-RNB. So, mapapa-groove ka talaga.

Panuorin ang full-interview ng Tambalan kay Sarah Geronimo:

Mensahe ni Sarah sa mga nais bumili ng kaniyang album:

“Iniimbitahan ko po ang lahat to please grab a copy of my album, eto pong Perfectly Imperfect para po sa inyong lahat. It has 11 original songs na sana po ay ma-appreciate ninyo.”

Maaring abangan si Sarah Geronimo sa kanyang mall shows sa October 4 – Fairview Terraces, October 10 – Market-Market, October 11 – Harbor Point, October 18 – Ayala Mall in Cebu, October 25 – Centrio Mall in Cagayan De Oro, at October 31 – Marquee Mall in Pampanga.

Sarah-Geronimo-Perfectly-Imperfect

PERFECTLY IMPERFECT: SARAH GERONIMO

1. PERFECTLY IMPERFECT

2. KILOMETRO

3. MINAMAHAL

4. UNTIL FOREVER

5. THIS FIGHT

6. BULLETPROOF

7. DULO

8. BANGON

9. KUNG SABAGAY

10. IN YOUR HANDS

Bonus Track:

11. LAST NIGHT OF OUR LIVES (featuring CELEB)

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.