Isa siguro sa mga most requested singer sa Love Radio Manila si Ronnie Liang. Most requested singer? Naging guest na ba siya? Pero kung titingnan mo ‘yung comment section ng mga posts sa Love Radio Manila at pati na rin sa inbox ng page, marami pa rin ang nagre-request ng mga kanta ni Ronnie Liang.

Naging finalist si Ronnie noon sa isang programa ng ABS-CBN na “Pinoy Dream Academy.” Siya ay second runner up noon, kasabayan niya si Jay-R Siaboc at Yeng Constantino.

Mula sa Angeles, Pampanga at bunso sa pitong magkakapatid. Para maipagpatuloy ang pag-aaral hanggang college, siya ay nagtrabaho bilang fast food crew at isang empleyado sa isang video shop. Nagtapos siya ng BS Education na may major sa Biology, Chemistry at Physics.

Ilan din sa mga naging proyekto ni Ronnie ay ang maging performer sa ASAP at Wowowee ng ABS-CBN. Naging performer din siya sa Party Pilipinas, Just Duet at Wowowin ng GMA Network. Naging laman din siya ng mga teleserye at ng mga pelikula katulad na lamang “Ako Legal Wife” (2005), “Esoterika Maynila” (2014), “Fan Girl Fan Boy” (2017), “100 Tula Para kay Stella” (2017), “Petmalu” (2018), “Abay Babes” (2018) at “Jowable” (2019).

Unang nag-release ng album si Ronnie noong 2007 na may title na “Ronnie Liang: Ang Aking Awitin” na tampok ang 13 tracks at isang minus one. Sinundan ‘yan ng “Ronnie Liang: May Minamahal” noong 2013, “Ronnie Liang Songs of Love” noong 2014 at ang pinakalatest ay ang “Ronnie Liang 12” na inirelease noong 2018.

Huling nag-release ng hit single si Ronnie nito lamang 2019 na may title na “Liwanag” kasama si Sarah Geronimo.

Photo Credit: Ronnie Liang Facebook Page

Photo Credit: Ronnie Liang Facebook Page

Sa kasalukuyan, si Ronnie ay isa nang ganap na piloto mula noong siya ay magtapos mula sa APG International Aviation Academy. Siya rin ay kabilang sa hanay ng Philippine Army at naging aktibo sa kanyang tungkuling sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.