Kabisyo, naranasan mo na bang maging sikat? Naranasan mo na bang maging kontrobersyal? Naranasan mo na bang ma-bash sa social media?

Well, siguro naman nitong mga nakaraang linggo eh lalong naging sikat ang sikat nang si Kim Chiu! Bakit?

Hindi naman siguro lingid sa kaalaman ng lahat na noong May 5 ay naglabas ng cease-and-desist order ang National Telecommunications Commission (NTC) para sa broadcast network na ABS-CBN dahil sa napasong franchise nito.

Dahil sa pagsasara ng kanyang home network, hindi napigilan ni Kim ang kanyang saloobin tungkol dito. Pero may isang pumatok sa mga sinabi niya, “Sa classroom may batas, bawal lumabas, oh bawal lumabas. Pero ‘pag sinabi, ‘pag nag-comply ka na bawal na lumabas pero may ginawa ka sa pinagbabawal nila, inayos mo ‘yong law ng classroom niyo at sinumbit mo ulit ay pwede na pala ikaw lumabas.”

 Minuto lamang ang binilang para maglabasan ang mga basher ng mga artista pero namukod tanging napuruhan sa mga sinasabi ng mga basher si Coco Martin at si Kim. Maraming humanga, maraming nainis, maraming nanggaya, may mga gumawa ng kanta at kani-kanilang mga version.

Good Vibes lang powXz ❤️🕶

Lil’ Tanya in da haus 🤙🏻

Posted by Tanya Chinita on Thursday, May 14, 2020

Aminado naman si Kim sa katotohanang naapektuhan siya sa lahat ng ito. Sabi niya, “I was really down the past few days… But of course, pag may problema, hindi mo dapat tinatambayan, doon tayo dapat sa option na move forward.”

Dahil diyan, naging opportunity para kay Kim na mag-move on sa nangyari at sa mga sinabi ng mga bashers.

Nakipag-collaborate si Kim kay Adriana at kay DJ Squammy at mula doon sa viral statement niya ay nakabuo siya ng isang kanta na ang title ay “Bawal Lumabas: The Classroom Song.”

Ni-release ‘yan noong May 18, 2020.

View this post on Instagram

𝙆𝘼𝙔 𝙂𝙐𝙇𝙊 𝙂𝙐𝙇𝙊 𝙉𝙂 𝙋𝙐𝙎𝙊 𝘼𝙏 𝙄𝙎𝙄𝙋𝘼𝙉 𝙆𝙊 𝘿𝘼𝙈𝙄𝙉𝙂 𝙎𝙄𝙉𝘼𝙎𝘼𝘽𝙄 𝘼𝙏 𝙉𝘼𝙉𝙂𝙔𝘼𝙔𝘼𝙍𝙄 𝙎𝘼 𝙋𝘼𝙇𝙄𝙂𝙄𝘿 𝙆𝙊 𝙏𝘼𝙈𝘽𝘼𝙔 𝙎𝘼 𝘽𝘼𝙃𝘼𝙔 𝙉𝘼𝙂𝙆𝘼𝙇𝘼𝙏 𝘼𝙉𝙂 𝙋𝘼𝙎𝘼𝙒𝘼𝙔 𝙅𝙐𝙎𝙏 𝙇𝙄𝙆𝙀 𝙔𝙊𝙐𝙍 𝙆𝙄𝙇𝘼𝙔 𝙈𝙐𝙆𝙃𝘼𝙉𝙂 𝙃𝙄𝙉𝘿𝙄 𝙉𝘼𝙂 𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙔. . #BawalLumabas #TheClassroomSong (link in my bio) Doing some assignments classmates pasa ko this weekend!!!!📚 takits!!!🛎🛎🛎

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess) on

“Things may put you down pero tayong mga Pilipino hindi natin nakakalimutan tumawa sa gitna ng pinagdadaanan natin. Mahilig tayong tumambay pero hindi sa problema. Salamat sa lahat ng nagbigay inspirasyon sa’kin. Let’s spread love, kindess and positivity. Good vibes lang ang pwede sa classroom! Tama? Tama!” Sabi ni Kim sa Instagram sa mismong araw ng release ng kanta.

And the rest is history.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.