Ngayong buwang ng Hunyo ay tinatawag ding “Pride Month.” Isang mahalagang pagkakataon itong buwan na ito sa mga member ng LGBTQIA+ community dahil sa mga panahong ito, kailangan nilang mai-express ‘yung kanilang saloobin at maipaglaban din ang kanilang mga karapatan bilang mamamayan.

Kaya ngayong araw na ito, mayroon tayong espesyal na pagkilala sa mga artists na patuloy na nagtatagumpay sa kanilang larangan. Kaya naman ang featured artist natin ngayong June ay si Ice Seguerra.

Kilala naman natin siya. Alam natin ang pinagmulan niya at kung paano siya nagsimula sa show business. Pero paano kaya niya natagpuan at nagtagumpay sa kanyang career kahit na medyo judger ang kapaligiran sa mga member ng LGBTQIA+.

Mula sa pagiging child star na lumabas na sa mahigit 30 mga pelikula at TV series. Napunta siya sa music scene noong kanyang teenage years and naging successful nga naman ang transition papunta sa pagiging pop singer at gitarista.

Tumanggap na rin siya ng iba’t ibang parangal bilang isang child star at bilang isang recording artist. Taong 2002, siya ay kinilala sa Awit Awards dahil sa kanyang kantang “Pagdating ng Panahon,” Best Performance by a Female Recording Artist. Tumanggap naman siya ng award mula sa PMPC Star Awards bilang Acoustic Artist of the Year noong 2009. Nito namang 2013, kinilala siya bilang Female Recording Artist of the Year sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Box-Office Entertainment Awards dahil sa kantang “Anong Nangyari sa Ating Dalawa.”

Napasok na rin ni Ice ang serbisyo publiko dahil noong August 12, 2016, itinalaga siya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang chairperson ng National Youth Commission.

Pero rewind tayo nang kaunti noong taong 2014 nang sabihin ni Ice sa isang programa sa TV na isa na siyang transgender man. “Ang lesbians kasi ay women na ang sexual preference nila ay women also. Ang transgender naman ay iba ‘yung gender identity namin sa assigned sa akin,” sabi niya.

Inexplain naman niya ito, “Ngayon ko lang na-identify talaga para sa sarili ko. Before kasi, as a lesbian, ang dami ko paring questions na hindi [masagot]. When I finally discovered sa sarili ko na I am not lesbian and I am a transgender, there you go. It answered a lot of questions.”

“Maraming questions and at least now mas may avenue to explain. Kasi, kumbaga, we all say LGBT, but well know only LG, pero ‘yung BT, medyo [hindi naiintindihan],” dagdag pa ni Ice.

View this post on Instagram

My Love, You already know how much I adore every single thing about you. You're a multi-faceted woman and I just dont know how you can excel sa lahat nang yun. Parang ang laki-laki ng puso mo at grabe yung kakayahan ng utak mo, at energy mo dahil you make things look so easy even if you're juggling a million tasks everyday. From chairperson, to advocate, homemaker, artist, mother, and wife. I don't know how you do it with so much ease and grace. In the span of our marriage, I've fallen in love with you so many times. Parang ilang babae na yung nakasama ko dahil paibaiba ka eh. Pa baby in one minute tapos biglang tatalon sa CEO. Whew! Hanep sa quick change. But I love all of you. I fell for who you were when we got together again and I still fall in love with you every single day. I will always thank God for giving you to me, Amara, and to everyone else whose lives you've touched. I am blessed to experience the beauty that is forever unraveling in front of me. You make me want to be better always, because you deserve nothing less. You bless me with your love every single day. I will always be grateful. Happy birthday, my Liza. I am proudest beacuse I can call you mine. I love you.

A post shared by Ice Diño Seguerra (@iceseguerra) on

Noong December 8 ng parehong taon, ikinasal si Ice sa aktres na si Liza Diño sa California, USA.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.