Magpalipas oras kasama ang The Vowels They Orbit
September 16, 2019

Sa dinami-daming mga artist ngayon at sa mga musical influences na mayroon sila, mayroong bagong banda ang talagang nagpapakanta sa mga millennial dahil na rin sa sophisticated at radio-friendly nilang tirada sa kanilang mga kanta.
Itong tinatawag nilang bagong indie na banda na may pangalang “The Vowels They Orbit” ay nakagawa na daw ng kanilang sariling image dahil na rin sa kanilang soulful arrangements at captivating melodic instincts. At makikita daw ang mga katangiang ito sa kanilang latest single na may title na “Selos.”
Nakarating na ang banda sa number 2 spot sa Spotify Philipines Viral 50 chart at patuloy na naririnig sa iba’t ibang FM Station sa bansa.
Nagmula ang bandang ito sa kanilang college days sa University of Sto. Tomas sa Maynila kung saan sila nagsimula lamang sa mga maliliit na mga gig at mga open mic venues na performance.
Binubuo sila nila Nikka Melchor (vocals at rhythm guitar), Hannah dela Cruz (keyboards at vocals), Jeremy Sayas (drums at vocals), Gene Santiago (lead guitars), at si Patch Javier (bass guitars).
Sa ngayon, ang banda ay under sa Sony Music Entertainment kung saan ay malapit na silang mag-release ng album na mayroong limang kanta kasama ang carrier single na “Selos,” pati na rin ang “Kiliti,” “Pasa,” at “Bumubulong.”
Maaari niyong i-follow ang bandang The Vowels They Orbit sa kanilang official Facebook account @thevto .
Abangan ang susunod na paborito mong artist sa bagong episode ng 365 Live!
TEASER
PERFORMANCE
FULL INTERVIEW
Comments