Herminio Alcasid Jr., o mas kilala bilang Ogie Alcasid ay mas kilala ng lahat bilang isang mahusay na mang-aawit, kompositor, komedyante, actor at bilang isang negosyante rin.

Ipinanganak noong August 27, 1967, si Ogie ay nagsimula bilang isang singer noong 1989 sa paglabas niya ng kanyang self-titled album na “Ogie Alcasid” na umabot agad sa Gold Record status kasabay ng kanyang unang single na “Nandito Ako” ay tinanghal na “Song of the Year.”

Mas lalo pa siyang sumikat nang ilabas niya ang mga trio ng kanyang mga hit single na “Nandito Ako,” “Sa Kanya,” at “Bakit Ngayon Ka Lang.”

Nagsimula ang karera ni Alcasid sa telebisyon bilang isa sa mga host ng palabas pangkomedya na Small Brothers sa ABS-CBN noong 1992. Kasabay ng kanyang pamamayagpag sa musika, lumabas din sa telebisyon ang talento ni Ogie sa comedy kung saan nakasama niya sina Janno Gibbs.

Sumunod din ang mga pelikula sa kanyang mga ganap. Gumanap siya bilang genie na lumalabas sa mga takure at bilang dwende. Sa kanyang angking galing, pati sa mga musical ay nadiskubre din ang kanyang talento.

Simula noon ay nakapaglabas na siya ng 18 pang mga album, kasama ang mga album pamasko tulad ng “Larawan ng Pasko” noong 1994, isang live album (OA sa Hits (Live)) noong 2002, at apat na greatest hits album. Nakatanggap din siya ng mga gold at platinum at doubles pa ng mga ito.

Lumabas din siya sa ibang mga programang comedy ng ABS-CBN 2 gaya ng Mana Mana mula 1991 hanggang 1992, sa programang Tropang Trumpo sa ABC 5 mula 1994 hanggang 1995, sa programang Ay, Robot! ng QTV mula 2005 hanggang 2007 at sa sitcom na Bubble Gang ng GMA 7 mula 1995 hanggang kasalukuyan.

Sa kasalukuyan, mayroong bagong labas na album si Ogie na may pamagat na “Nakakalokal.” Hangarin ng album na tangkilikin natin ang mga awiting Pinoy sa pamamagitan na rin ng efforts at pag-promote ni Ogie na siya ring Presidente ng OPM o Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit.

Gaganapin naman ang “Nakakalokal” Birthday Concert sa darating na August 25, 2017 sa KIA Theater.

Para sa latest updates tungkol kay Ogie Alcasid, maaari niyo siyang i-follow sa Facebook @OgieAlcasid.Official .

VIDEOGRAPHY

Nakakalokal by Ogie Alcasid

Nandito Ako by Ogie Alcasid

Ikaw Lamang by Ogie Alcasid

Kailangan Kital by Ogie Alcasid

Ikaw Sana by Ogie Alcasid

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.