Isang Irish na singer at songwriter, si Niall James Horan ay nakilala noong siya ay naging member ng boy band na “One Direction,” isang pop boy band group na nakabase sa London.

Noong 2010 ay nag-audition si Niall bilang solo artist sa British singing competition na The X Factor. Bigo siyang makapasok sa finals bilang isang solo artist kaya naman siya ay napabilang sa apat pang contestant na siya namang bumuo sa One Direction.

Taong 2016 nang pumirma ng kontrata bilang solo artist si Niall sa Capitol Records. Matapos nito ay nakapag-release siya nong September 29, 2016 ng debut solo single na may title na “This Town.” Nag-number nine iyon sa UK Singles Chart at number 20 naman sa US Billboard Hot 100.

May 4, 2017 nang i-release naman ni Niall Horan ang kanyang pangalawang solo single na may title na “Slow Hands” na pasok din sa Top 10 ng UK at Top 20 ng US.

August 2017 naman nang i-release niya ang kantang “On My Own” sa Olympia Theatre sa Dublin, Ireland.
Noong sumunod na buwan naman, nag-release siya ng pangatlong solo single mula sa album na “Too Much Ask.”

Sa darating na June 10, magkakaroon ng concert dito sa Pilipinas si Niall Horan na gaganapin sa SM MOA Arena. Ito ay bahagi ng kanyang Flicker World Tour 2018.

Maaari niyong i-follow si Niall Horan sa kanyang Facebook page @niallofficial

HIT SINGLES

On the Loose by Niall Horan

This Town by Niall Horan

Flicker by Niall Horan

Slow Hands by Niall Horan

Too Much to Ask by Niall Horan

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.