Kilala bilang “Madonna,” sumikat si Madonna Louise Ciccone sa tawag na “Queen of Pop” dahil sa kanyang husay sa pag-awit at impluwensiya sa iba pang mga artists sa buong mundo.

Dahil sa kanyang galing sa pagkanta, si Madonna ay na-recognize bilang Best-Selling Female Recording Artist of All Time ng Guiness World Records dahil sa mahigit 300 Million na album na nabenta. Siya rin ay kinilala bilang “Top Touring Female Artist of All Times” dahil sa dami ng bansang kanyang napuntahan para mag-concert na kumita na ng bilyun-bilyon. Siya rin ay nasa Rank No. 2 sa Billboard Hot 100 All-time Top Artist, sumunod sa The Beatles, na lalo pang nagpatanyag sa kanya bilang isa sa mga matagumpay na solo artist sa kasaysayan ng American Singles Chart.

Naging popular din si Madonna sa mga pelikulang kanyang kinabilangan tulad ng “Desperately Seeking Susan” (1985), “Dick Tracy” (1990), at “Evita” (1996). Ilan rin sa mga kanta ni Madoona na nagpa-indak sa atin ay ang Like a Virgin (1984), Material Girl (1985) at Vogue (1990). Ilan naman sa mga latest hit single niya ay ang “Bitch I’m Madonna” (2015), “Living for Love” (2015) at “Unapologetic Bitch” (2015) na maririnig sa kanyang album na “Rebel Heart.”

Maaari niyong i-follow si Madonna sa Twitter at Instagram sa: @madonna

VIDEOGRAPHY

“Bitch I’m Madonna” – Madonna (Official Music Video)

“Living for Love” – Madonna (Official Music Video)

“Like A Virgin” – Madonna

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.