Si Karen Jade Cal o mas kilala sa tawag na “Kaye Cal” ay namamayagpag sa kanyang karera bilang isang solo singer.

Galing sa Davao del Sur, nagsimulang kumanta si Kaye Cal kasama ang Filipino group na Ezra Band kung saan siya naging bokalista.

Sumikat ang banda nang sila ay naging contestant sa programang Pilipinas Got Talent. Hinangaan sila ng mga judges dahil sa “soulful” na paraan ng pag-awit ni Kaye at sa mga striking perfomances ng grupo. Naisama pa ang kanilang kanta sa album ng PGT noong 2010 na “Pinoy You Got It” sa ilalim ng Star Records at Sony Music.

Sa kabila ng lahat ng ito, naging matumal sa Ezra Band ang patuloy na pamamayagpag ngunit si Kaye Cal ay patuloy pa rin sa kanyang pag-usad bilang solo artist.

Mayroon siyang self-titled Youtube Channel kung saan mayroon siyang 140,000 subscribers. Dito niya ina-upload ang kanyang mga cover songs na pumapatok sa mga tagahanga niya. Pumalo ng lagpas 500,000 ang kanyang cover ng “Tadhana” ng Up Dharma Down.

Nag-perform si Kaye Cal sa kanyang guesting sa programang Roadshow, kinanta niya ang awiting “Isang Araw,” ang kanyang unang single na kasama sa OPM Fresh album ng Star Music. Kinanta niya rin ang “Walang Iba” na pinasikat ng Ezra Band at ang kanyang rendition ng mga kantang “Sweat” at “Missing You.”

Magkakaroon ng #KayePop Concert si Kaye Cal sa August 18, sa Music Museum, San Juan City.

Bumisita si Kaye Cal sa Love Radio noong May 9 at nito lamang August 10, 2017 para i-promote ang kanyang bagong hit single at upcoming concert.

Maaari mong i-follow si Kaye Cal sa kanyang Facebook page @KayeCal.OfficialPage .

VIDEOGRAPHY

Kaye Cal – Why Can’t It Be (Official Music Video)

Kaye Cal – Isang Araw (Official Music Video)

Kaye Cal- Sa Aking Puso – Acoustic Cover

Kaye Cal- Beautiful Goodbye by Maroon 5

Kaye Cal – Walang Iba (Official Lyric Video)

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.