Nakilala siya samga awiting “All of Me,” “Made to Love,” at “You & I (Nobody in the World), isang Grammy and Academy Award-winning singer-songwriter.

Ipinanganak si John Legend sa Springfield, Ohio noong Disyembre 28, 1978. Masasabing dahil sa impluwensiya ng kanyang lola kaya siya natuto tumugtog ng piano at maging parte ng choir sa kanilang simbahan hanggang sa siya ay lumaki. Mula sa pagiging member ng choir, naging direktor siya ng isang co-ed A Cappella group sa pinapasukan niyang unibersidad – University of Pennsylvania.

Naging in-demand na session musician at songwriter si John Legend at nagsimula na siyang makipag-collaborate kila Alicia Keys, Twista, at Janet Jackson. Hindi nagtagal ay na-introduce rin siya sa noong up-and-coming na hip-hop artist na si Kanye West.

Taong 2004 nang naging Platinum ang kanyang album na Get Lifted at parte ng album na ito ang hit na Ordinary People. Umani ng tatlong Grammy Awards ang nasabing album: Best R&B Album, Best R&B Male Vocal Performance at Best New Artist.

Nahirang si John Legend na mainstream star dahil sa taglay nitong talentong sa musika.
Taong 2006 nang mag-perform siya sa Super Bowl XL sa Detroit, sa NBA All-Star Game at sa Major League Baseball All-Star Game sa Pittsburgh. Matapos ang ilang exposure sa music scene, naging sunod sunod na rin ang release ng mga chart-topping hits at album tulad ng Evolver noong 2008. Sa nasabing album na-feature ang kanyang awitin na Green Light na isang collaboration sa Andre 3000. Pinatunayan rin ni John Legend na hindi lamang siya isang magaling na singer-songwriter nang siya ay gumanap sa isang supporting role sa pelikulang Soul Men kasama sina Bernie Mac at Samuel L. Jackson.

Babalik sa Maynila si John Legend para sa kanyang Darkness and Light World Tour sa March 21, 2018 sa Araneta Coliseum.

Mapapakinggan ang kanyang mga chart-topping singles na “Love Me Now” at “Penthouse Floor.” Bukod sa kanyang mga bagong hits, asahang maririnig rin ng kanyang mga fans ang mga kantang nagpasikat sa kanya.

Maaaring i-follow si John Legend sa kanyang Facebook page, Twitter at Instagram @johnlegend .

VIDEOGRAPHY

All of Me by John Legend

Love Me Now by John Legend

You and I by John Legend

Ordinary People by John Legend

Penthouse Floor by John Legend feat. Chance the Rapper

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.