His power is his imagination. ‘Yan ang paniniwala ni Daryl Neilsonn Ong o mas kilala bilang Daryl Ong.

Sa pamamagitan ng imagination, kaya niyang makabuo ng mga imahe, kaya niya itong i-drawing. Kung anong naririnig niya sa kanyang isip, kaya niya itong gawan ng kanta.
Ipinanganak si Daryl noong March 24, 1987 sa Palawan. Nagsimula siyang kumanta noong siya’y anim na toang gulang pa lamang kung saan ang kanyang ina ay isang miyembro ng church choir. Sa church choir siya natuto nang lubusan at doon niya rin nalaman ang kantang “Shout for Joy” ni Mr. Pure Energy, Gary Valenciano.

Isa siya ngayong band vocalist at kumakanta sa mga hotel at mga casino sa Metro Manila. Pero bago siya maging sumali sa The Voice Philippines, minsan siyang naging cartoonist.

Sumali si Daryl sa The Voice Philippines upang maipakita sa mga Pilipino ang kanyang talento at para makita ang kanyang anak na dinala sa ibang bansa nang hindi niya nalalaman.

Pinasikat ni Daryl ang ilang mga kanta katulad ng “Ikaw na Nga” at “It’s Not Easy Letting Go” noong 2015, “Basta’t Kasama Kita” noong 2016 at siya rin ang kumanta ng “Stay” na ginamit sa On the Wings of Love nina James Reid at Nadine Lustre. Tumaggap din siya ng Awit Award for Best Performance by a New Male Recording Artist.

Mapapanood si Daryl Ong sa kanyang solo concert entitled “Daryl sONGs” sa May 19, 2017, 8:00 PM sa Music Museum, San Juan City.

Maaari niyong i-follow si Daryl Ong sa Facebook @DarylOngOfficial , sa Twitter at Instagram @iamdarylong

VIDEOGRAPHY

“To Love Again” by Daryl Ong

“It’s Not Easy Letting Go” by Daryl Ong

“Basta’t Kasama Kita” by Daryl Ong

“Stay” by Daryl Ong

“How Did you Know” by Daryl Ong

<

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.