Hindi man pinalad noon sa “Little Big Star,” nakabangon at nahigitan pa ni Charmaine Clarice Pempengco, o mas kilala sa tawag na “Charice,” ang daloy ng kasikatan dahil sa pambihirang pagpapakita niya ng talento sa YouTube.

Isinilang noong May 10, 1992 at pinalaki ng kanyang ina na si Racquel. Dahil sa talento niya sa pagkanta, bata pa lamang ay marami na siyang sinalihang mga Singing Contest para na rin makatulong sa pang-araw araw na gastusin nilang pamilya.

Hindi akalain ni Charice na noong 2007, nang dahil sa pag-upload niya ng pagkanta sa YouTube ay naimbitahan siya para mag-perform sa “Ellen DeGeneres Show.” Nasundan pa ito noong siya nag-guest sa “Star King” bilang “Most Requested Foreign Act.” Naimbitahan naman siya sa Malacañang noong 2008 para naman sa dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Nagpatuloy ang kanyang pamamayagpag sa international scene noong siya ay naging guest sa “The Paul O’Grady Show” sa London, England. Noong 2009, sa isang episode kung saan kinikilala ang “World Smartest Kids,” nag-perform si Charice sa “The Oprah Winfrey Show” kung saan niya kinanta ang “I Have Nothing” na original ni Whitney Houston. Nabansagan pa si Charice ng ma-impluwensiyang TV Host bilang “Most Talented Girl in the World.” Si Oprah din ang nagbigay daan sa pagtatagpo nina Charice at David Foster na nagbukas naman ng pagkakataon kay Charice para mag-perform sa concert na “Hitman: David Foster and Friends,” na ginanap sa Las Vegas.

Noong 2010, ni-release ni Charice ang kanyang First International Album na “Charice.” Pasok sa Number 8 spot sa Billboard 200 ang album na nagbunsod sa kanya para maging unang Asian Singer na nakapasok sa Top 10. Kasama si Bruno Mars, ni-release ang kanyang Second International Album na may title na, “Infinity,” at carrier single na “Before It Explodes.”

Pinakamatagumpay naman kung maituturing ang kanyang single na “Pyramid” kung saan kasama niyang kumanta si Iyaz. Pasok ito sa Top 40 worldwide matapos mapanood ang kanyang live performance sa “The Oprah Winfrey Show.” From singing to acting, napanood din si Charice sa TV Series na “Glee” bilang Sunshine Corazon.

Mapapanood si Charice nang live sa kanyang concert sa March 24, 2017 sa KIA Theater, Cubao, Quezon City.

Maaari niyong i-follow si Charice sa Twitter @OfficialCharice .

VIDEOGRAPHY

“Charice on the Ellen DeGeneres Show”

“Lay Me Down” -Charice on Asia’s Got Talent

“One Day” -Charice (Official Music Video)

“Pyramid” -Charice feat. Iyaz (Official Music Video)

“Louder” -Charice (Official Music Video)

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.