“Everybody deserves to be somebody someday,” sabi ni Arnel.

Ipinanganak si Arnel Pineda noong September 5, 1967 sa isang Diagnostic Clinic sa Tondo Manila nila Restituto Pineda at Josefina Campaner.

Namana marahil ni Arnel ang kanyang hilig sa musika sa kanyang ina sapagka’t bata pa lamang siya ay lagi na siyang pinu-pursige nito na kumanta. Pinapakanta siya ng kanyang ina at pinapasabay sa mga paborito nitong singers tulad nila Karen Carpenter at Barbra Streisand. Ito ang nagbukas kay Arnel sa mga singing contests sa kanilang lugar.

Hindi naging madali ang buhay ni Arnel matapos pumanaw ang kanyang ina noong siya’y 13 taong gulang pa lamang. Dalawang taon rin siyang nagpagala-gala sa lansangan at natutulog kung saan saan. Naging kabuhayan niya ang bote-dyaryo at pangongolekta ng kung ano pang pwedeng mapakinabangan para maibenta. Pumasok rin siya bilang tagalinis ng scrap metal at mga barko.

Naging lead singer ng grupong “Ijos” si Arnel noong 1982 nang siya’y 15 taong gulang pa lamang.

Taong 1986, ilang miyembro ng Ijos ay bumuo ng grupong tinawag na “Amo” na nag-kampeon sa mga Rock Wars Contest sa Pilipinas. Noon ay 1988 ng manalo ang Amos a Yamaha World Band Explosion. Isa sa mga naging winning piece ng grupo ay ang “Bohemian Rhapsody” ng Queen. Tumugtog din ang banda sa mga club sa Quezon City, Olongapo at Makati City.

Taong 1990, bumuo na naman ang ilang miyembro ng Amo ng isa pang banda na tinawag nilang Intensive Five at wagi na naman ito sa Yamaha World Band Explosion kung saan nananlo si Arnel ng Best Vocalist Award.

Noong 1991, isang talent ang nakapansin sa galling ni Arnel at ng New Age at hiniling sa kanila na lumipat sa Hong Kong para mag-perform sa Grammy’s. Nag-perform sila sa Grammy’s ng anim na araw sa isang lingo sa loob ng ilang taon.

Noon namang 1994, nagkaroon ng sakit sa lalamunan na halos makapag-pabagsak sa kanyang boses sa pagkanta. Bumalik siya sa Pilipinas para makapag-pagamot at pagkalipas ng anim na buwan ay kinaya na niya ulit kumanta.

Taong 1999, pinahangan naman ni Arnel ang record label na Warner Bros. at nakapag-record siya ng album sa ilalim nito. Inilabas ang kanyang self-titled album na “Arnel Pineda” na naglalaman ng kanyang mga orihinal na isinulat na kanta.

Journey

Taong 2007, naglabasan sa Youtube ang mga video ng The Zoo kung san nagpe-perform sila ng mga kanta ng Journey, Survivor, Aerosmith, Led Zeppelin, Air Supply, The Eagles, Kenny Loggins, Stryper at iba pang mga sikat na kanta noong 1970s hanggang 1990s. Noong June 28, 2007, nakipag-ugnayan si Neal Schon ng Journey kay Noel Gomez, isa namang longtime fan ni Arnel. Hiningi ni Schon ang contact information ni Arnel para mag-audition sa Journey. Matapos ang “nerve-wrecking audition” ayon kay Arnel, ay naging lead singer na siya ng Journey noong December 5, 2007.

Lumabas ang unang album ng Journey kasama si Arnel, ang title ay Journey, at ito ay nag-Number 5 sa Billboard Top 200 Charts isang linggo lamang matapos itong mai-release. Kumalat ang sales ng album at maraming mga concerts hanggang sa Spain, Germany, Netherlands, UK, Ireland, Canada, Japan, Pilipinas, China at sa malaking bahagi ng United States.

Sa pangkalahatan, ang concert at album revenue nila noong 2008 ay umabot sa $35,695,481.

Nag-celebrate si Arnel ng kanyang 50th Birthday sa isang concert na ginanap kahapon sa Okada Manila, Pasay City.

Maaari mong i-follow si Arnel Pineda sa Facebook @ArnelPinedaOfficial .

VIDEOGRAPHY

Faithfully by Arnel Pineda of Journey

Separate Ways by Arnel Pineda of Journey

Don’t Stop Believin’ by Arnel Pineda of Journey

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.