I-Cover Mo Na kasama ang 6CYCLEMIND!
June 4, 2019

I cover mo na! Sabi ngayon ng bandang 6CYCLEMIND!
Binubuo nila Rye Sarmiento sa guitars, Bob Canamo sa bass, Vic Aquino sa drums at Herbert Hernandez sa guitars at siyempre si Tutti Caringal sa vocals.
Kilala sa kanilang musika, ang bandang 6CYCLEMIND ay nagmarka na sa mga Pilipino dahil sa kanilang mga Pinoy anthems ng mga nagdaang taon. Dahil dito, nakapag-release sila ng anim na album na madalas nakakasama ang mga hit single sa mga charts.
Multi awarded din ang bandang 6CYCLEMIND dahil sila ay nabigyan ng award bilang Music Awards Favorite Music Video para sa hit single na “Kasalanan,” Favorite Music Video Collaboration para sa kantang “Kung Wala Na Nga,” at SOP PasikLaband Band of the Year at marami pang iba.
Ang 6CYCLEMIND ang unang banda na nakagawa ng record na nationwide tour sa higit 100 mga probinsya at mga bayan at siyudad sa buong bansa. Patok din ang banda sa mga estudyante kaya naman nagkaroon din sila ng mga campus tours na nagkaroon pa ng “Rock Band to School” at “Suzuki Invasion Tour” at marami pang iba.
Patok din ang bandang 6CYCLEMIND sa mga collaborations kasama ang iba’t ibang artists katulad na lamang nila Francis Magalona, Yeng Constantino, Gloc 9, Raimund Marasigan at Buddy Zabala ng The Eraserheads.
Sa kasalukuyan, ang kanilang hit single ay may title na “No Rewind No Replay.” Mayroon din silang single kasama si Ms. Karla Estrada na may title na “’Di Na Atin.” Kilala din sila sa mga kantang Sandalan, Upside Down, Sige, Prinsesa, Kasalanan, Kung Wala na Nga, Magsasaya, Trip at Aaminin.
Ngayong 2019, mayroong bagong pakulo ang bandang 6CYCLEMIND dahil sa unang pagkakataon ay inaanyayahan ng banda ang lahat ng mga Pilipino masayang umaawit ng kanilang mga kanta, pati na rin ang mga fans, na magpasa ng kanilang mga cover songs sa “Sige, I-Cover Mo Lang.” Pagkatapos ng lahat ng screenings, pipili ang banda ng 3 grupo at bilang premyo ay makakasama nila ang 6CYCLEMIND sa studio recording nito at ito ay irerelease in digital worldwide! Para sa mga detalye, puntahan lamang ang Facebook page ng banda @6CYCLEMIND . Sali na mga Kabisyo!
Maaari niyo pa ring i-follow ang 6CYCLEMIND sa kanilang Twitter account @6cyclemind at sa kanilang Instagram @6cyclemindband .
Abangan ang susunod na paborito mong artist sa bagong episode ng 365 Live!
TEASER
PERFORMANCE
NO REWIND NO REPLAY
SANDALAN
FULL INTERVIEW
Comments