aliwan fiesta banner aliwan fiesta banner


Nagsimula sina Leanne Mamonong at Naara Acueza noong sila’y first year sa college. Nagkaroon ng chemistry sa performance at nagsimula na rin silang magkaroon ng mga out-of-school events.

Limang taon ang lumipas ay naging official na silang artist ng Warner Music Philippines bilang si “Leanne and Naara.”

Duo sila pero kitang kita naman commonality sa kanilang dalawa. Bata pa sila ay nakikinig na sila ng iba’t ibang music genres pero magkaiba ang hilig ng dalawa.

Si Naara na galing sa isang malaking pamilya, siya ay nagrerecord ng Christian songs sa isang tape recorder at ipinapadala niya ito sa kaniyang tatay sa ibang bansa. Sa kabila ng kanyang hilig, ang kanya namang mga kapatid ay mahilig sa mga rock bands at ang iba namang kapatid ay medyo kikay.

Si Leanne naman ay galing sa pamilya kung saan ang kanyang tatay naman ay mahilig sa old jazz music. Sa kabila nito, confident siyang sabihin na ang kanyang style ng pagsulat ng kanta ay hindi nakatutuok sa kaniyang nakagisnan nang style. Si Amy Winehouse ay nananatiling number one inspiration ni Leanne dahil sa galing nito sa pagkanta.

Sa kabila ng mga pagkakaibang ito, sinusundan pa rin nila ang mga genre nila Jason Mraz, John Mayer, Ed Sheeran, John Legend at ibang mga original motion picture soundtracks.

Ang boses nilang dalawa ay tunay nga namang kapag pinakinggan ay napakaganda kaya naman nakakabuo sila ng strong connection na madaling nakikita at nararamdaman ng audience. Ang kanilang pagiging iba ay lalo pang mag-trigger sa’yo na pakinggan sila.

Maaari niyong i-follow sina Leanne at Naara sa kanilang social media sites @leanneandnaara .

Abangan ang panibagong episode ng 365 Live sa Catch 22 Pilipinas bukas, 3:00 PM!

HIT SINGLE

Rest by Leanne and Naara

Make Me Sing by Leanne and Naara

FULL INTERVIEW

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.