Sa isang article mula sa Philippine Educational Theater Association or PETA, ipinapakita dito na mayroon daw much-awaited return ang Rak of Aegis na nangsimula noong July at matatapos sa September 2019 sa PETA Theater Center. Ito ay naging posible dahil na rin sa partnership ng Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit (OPM) at ng PhilPop MusicFest Foundation (PhilPop).

Noong taong 2014 pa nang magsimulang i-take by storm ng Rak of Aegis ang Manila. Itong musical na ito ay para ipakita ang yaman ng musika ng OPM icons, ang bumubuo sa Aegis Band, dahil na rin sa kanilang mga hits na “Halik,” “Sinta,” “Basang Basa sa Ulan,” at marami pang iba.

Ngayong 2019, nasa Season 7 na ang Rak of Aegis kaya naman mas magandang i-celebrate at magbigay ng tribute sa Philippines music, performances at artistry.

“Pinoy music speaks of our culture and identity as Filipinos. It encapsulates our dreams and continues to inspire us to love and hope. In partnering with OPM and Philpop, we wish not only to recognize our wealth of Filipino songs and talents, but also impart to the audience how music, theater, the arts can evoke our highest aspirations and bring out the best in our humanity,” sabi ‘yan ni PETA Executive Director Beng Cabangon.

Para malaman ang kabuuang schedule ng Rak of Aegis sa PETA-Phinma Theater sa New Manila, Quezon City, tingnan ito sa www.petatheater.com/rakofaegis or tumawag sa (02) 725-6244 or 0917-539-1112.

Abangan ang susunod na paborito mong artist sa bagong episode ng 365 Live!

TEASER

PERFORMANCE

ULAN by SHAIRA OPSIMAR

FULL INTERVIEW

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.