Dahil siya ay nagmula din sa mga taon ng breakthrough at heartaches, ang sunger-song-writer tuloy na si Julie Anne San Jose ay nag-release ulit ng isang brand new single na tungkol daw sa bagong yugto ng buhay niya! Whooo!

Natatandaan mo ba ‘yung unang album ni Julie Anne? Ang title nun ay “Breakthrough” at medyo nakalampas daw ito sa iba’t ibang mga boundaries dahil sa change of sound and approach. Biruin mo, lahat umano ng singles nito, ‘yung “Nothing Left,” “Down For Me” at “Tayong Dalawa,” ay pasok at nakaabot pa sa top ng charts ng iTunes sa unang araw pa lamang ng release. Ang mas bongga pa sa lahat, ‘yung kantang “Your Song” ay umabot sa 9 million ang streams sa Spotify.

Ngayon naman, itutuloy ni Julie Ann ang kanyang journey sa pag-release ng panibagong single na siya mismo ang nag-compose! Ang title nito ay “Regrets.” Reflection daw ang kantang “Regrets” ng kanyang mga experience sa kanyang career at personal na buhay.

Pero mas may bobongga pa ba dahil ilang minuto lamang pagkatapos itong ma-release ay nag-top spot sa iTunes Philippines sa lahat ng genre at pop charts at nagpapatuloy din ang pagiging number 1 ng kanyang mga hit singles, parang lumilinya lang sa mga K-Pop at mga singles ng mga international artists.

Maaaring niyong i-follow si Julia Anne San jose sa kanyang official Twitter account @MyJaps .

Abangan ang susunod na paborito mong artist sa bagong episode ng 365 Live!

TEASER

PERFORMANCE

LOVE THE WAY YOU LOVE

REGRETS

FULL INTERVIEW

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.