Nasa kalagitnaan tayo ngayong ng isang enhanced community quarantine kaya naman nag-dalawang isip noong una si Moira kung itutuloy ba ang release ng trilogy na “Paalam, Patawad.” Grabe noh Kabisyo, ganyan ang struggle ni Moira sa trilogy na ito.

“In times of trouble, music brings comfort, hope and peace. So we’ve decided to push through with it, with the hopes that these songs, which took us two years to finish, would bring joy and comfort,” sabi ni Moira.

Iba ‘yung hugot ng trilogy na ito, title pa lang ‘di ba, iba na! Gusto ni Moira sa experience ng mga fans at ng mga makikinig at manonood ng trilogy na ito ay ‘yung kakaiba at sentimental musical journey.

‘Yung trilogy na “Paalam, Patawad” ay under nung album na “Patawad” na mayroong 13 tracks at ‘yung siyam dun ay original composition ni Moira.

At pasok sa album na iyan ‘yung iba’t ibang collaboration kasama na diyan ‘yung trilogy collab ni Moira na “Paalam” kasama ang Ben&Ben, ‘yung titular song na “Patawad,” at ‘yung “Patawad, Paalam” kasama ang I Belong to the Zoo.

Mayroon din itong madamdaming music video na starring sina JM de Guzman at Anna Luna.

Ipinapakita lamang sa atin nung trilogy na ginawa ni Moira, “Paalam, Patawad,” ‘yung katotohanan na vulnerable talaga, alanganin talaga kapag usapang pag-ibig. Kinuha ‘yung inspiration sa mga bagay na malapit sa atin at ‘yung pagpapakita kung paano i-handle ng mga tao ang pag-ibig at ang sakit na pwedeng idulot nito. And interestingly, ‘yung lolo’t lola pala ni Moira ang isang malaking inspiration nito. Dito mo makikita na involved na involved talaga si Moira sa project na ito.

“It shows the kind of love that fights for love and stays, one that leaves and understands that they will grow better apart. A love that tells us good-bye although hard is sometimes something we all need to do. Finally forgiveness, a kind of love that is hard to show, not only to others but mainly to ourselves,” sabi ng director na si Niq Ablao.

Maaari mong i-follow si Moira dela Torre sa kanyang mga social media account kasama na ang Youtube channel @moirarachelle .

PAALAM, PATAWAD TRILOGY

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.