Binubuo ang bandang Orange and Lemons ng lead singer-guitarist Clem Castro, bass player JM Del Mundo, and drummer Ace del Mundo.

Handa na silang magbukas ng bagong chapter ng kanilang buhay banda gamit ang kanilang unique at distinct sound na garantisadong makakabuo ng ceritified hit songs.

Kaya naman nagbabalik ang bandang Orange ang Lemons para sa kanilang bagong hit single na may title na “Pag-ibig sa Tabing Dagat” na under naman ng Lilystars Records na ini-release naman nong June 7, 2019.

Bahagi ng lyrics ng napaka-gandang awitin ay ito:
“Ang hangin na masuyod na dumadampi sa aking mga
pisngi at bumubulong / Ang araw na sumisilip sa mga ulap na
animo’y matang nag-aabang kung sino ang aking hinihintay.”

Ang kantang “Pag-ibig sa Tabing Dagat” ay isinulat mismo ng band leader ng Orange and Lemons na si Clem Castro. Ito katulad daw ng fusion ng Kundiman at ang tonong indie ng kanilang pagtugtog ng gitara kung saan sila nakilala.

Maaaring niyong i-follow ang bandang Orange and Lemons sa kanilang Twitter at Instagram accounts @moonlanegardens at sa Facebook @orangeandlemons .

Abangan ang susunod na paborito mong artist sa bagong episode ng 365 Live!

TEASER

PERFORMANCE

HANGGANG KAILAN

ABOT KAMAY

PAG-IBIG SA TABING DAGAT

FULL INTERVIEW

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.