Na-miss niyo ba siya? Malamang miss na miss niyo siya. Isa lang naman siya sa mga icon ng OPM dito sa ating bansa.

And kung itatanong ninyo sa kanya, “may lahing bampira po ba kayo?” “Bakit parang hindi po kayo tumatanda?” “Ano pong skin care secrets ninyo?” Grabe ‘di ba? After so many years parang walang nagbago sa kanya.

20 years ago, yes, you read it right Kabisyo, 20 years na ang lumipas nang siya ay mag-release ng self-titled album mula sa kanyang dating grupo na “Barbie’s Cradle” kung saan sumikat ang kanyang mga kanta na “The Dance,” “Tabing Ilog,” at “Goodnyt.”

Sa isa niyang interview, sinabi niya na siya ay nagsusulat ng mga kanta mula sa kanyang greatest life experiences. “I write from life experiences. If you look at the songs I write, it is about heartbreak and finding yourself and later, my faith. Kami ni Martin have started writing together. He wants to help me and we enjoy the process. One of the songs born out of that is ‘Tigre.’”

Kaya naman ngayon ay kanyang ipinakikilala ang kanyang bagong single na “Tigre” kung saan ito ay mula pa sa inspirasyon niya sa kanyang alagang pusa katulad na lamang ng mga kanta niyang “Cover” at “Ghost.”

Maaari niyong i-follow si Barbie Almalbis sa kanyang official Facebook page @BarbieAlmalbis .

Abangan ang susunod na paborito mong artist sa bagong episode ng 365 Live!

TEASER

PERFORMANCE

FULL INTERVIEW

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.