Nagbabalik sa Love Radio Manila ang isa sa mga paborito mong banda, ang Imago!

And this time, may bagong flavor daw ang kanilang mga all-time hits na pasok sa kanilang tinatawag na “Unplugged Collection.” Ito daw unplugged collections na ito ay compilation pero stripped down version ng mga kantang pinasikat nila before tulad ng “Sundo,” “Akap,” “Taralets,” and pati na rin ‘yung isa sa mga latest single nila, ang “Pag-ibig na Walang Balik,” na kinanta ng bago nilang vocalist na si Kiara San Luis.

Tungkol sa iba pang detalye ng EP, sabi ng banda, says “A majority of the songs of Imago started with an acoustic guitar and we wanted to show these songs in that birthing state where it had shape and form already while being raw and bare.”

Siyempre ang mga nangungunang hits sa EP ay ‘yung mga pinagpagurang gawin ng banda out of their evolution kasama na ‘yung kanilang latest single na “Partida” kasama ang rapper na si BenteDos.

Ang “Partida” ay blending ng sweet voice ni Kiara San Luis at ng hip-hop twist ni BenteDos. Ang teama naman nung kanta ay ang pagpasok sa isang relasyon na hindi naman talaga nawawala ‘yung pagharap sa mga risks.

For more information, i-follow niyo lamang ang banda sa kanilang official Facebook page @imagomusic .

Abangan ang susunod na paborito mong artist sa bagong episode ng 365 Live!

PERFORMANCE

PARTIDA by Imago feat. BenteDos

SUNDO by Imago

AKAP by Imago

FULL INTERVIEW

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.