Siya ay ang Inspirational Diva. Marahil ang ilan sa kanyang mga kanta ang nagpalapit sa iyo sa iyong faith at sa iyong mga mahal sa buhay. Iyan si Mary Jane Cruz Mendoza o mas kilalang Jamie Rivera.

Sa kanyang larangan, nakilala siya sa kanyang mga kanta na may religious, spirituality at inspirational in nature. Ilan sa mga ‘yan ay “Sa ‘Yo Lamang,” “Tanging Yaman,” at “Heal our Land.”

Ilan sa mga kilala niyang album ay ang “Hey It’s Me” (1987), “All Out for Love” (1988), “We Can Show the World” (1990), “Pangako” (1993), “Second Thoughts” (1994), “Once More” (1996), “Feels So Right” (1999), “Heal Our Land (2001) “Seasons” (2001), “The Purpose Driven Life” (2004), “Inspirations” (2012), “My Christmas Gift” (2013), at “We Are All God’s Children (2015).

Tunay na namayagpag si Jamie sa kanyang larangan dahil lima sa mga album niyang iyan ay gold at dalawa naman ay platinum.

Kilala rin si Jamie sa theatre arts nang siya ay gumanap bilang Kim sa Miss Saigon Musical sa Theatre Royal, Drury Lane, in the West End of London, England.

Kilala din si Jamie sa kanyang mga religious acts tulad na lamang ng kanyang mga performance sa mga Papal Visit sa Pilipinas. Noong 1995, siya ay nag-record at nag-perform ng kantang “Tell the World of His Love” sa World Youth Day na dinaluhan ni Saint John Paul II. Muling naulit ‘yan sa Apostolic at Pastoral Visit ni Pope Francis sa Pilipinas noong 2015. Ni-record niya ang theme song ng Papal Visit 2015 na may title na “We Are All God’s Children.”

Nitong nagsimula ang COVID-19 pandemic, may mga collaborations din siya para sa mga kantang “We Heal as One” at “Bayani ng Mundo.”

At dahil paparating na naman ang Pasko, mayroong hatid na bagong awitin si Jamie para sa lahat na mga Pilipino. Ang title ng bagong kantang ito ay “Ber Months Na Naman.”

Marami raw inspiring messages ang kantang ito katulad ng maging masaya sa simpleng paraan ng pagbibigay at pagtanggap ng regalo, pagsasama-sama ng pamilya, pananalangin, pasasalamat sa Diyos sa lahat ng biyayang natanggap kahit may pandemya at pagpapahalaga sa mga nakatatanda sa atin.

Maaari niyong i-follow si Jamie Rivera sa kanyang social media accounts para sa iba pang detalye ng kanyang bagong single.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.