Mas kilala bilang “Tippy,” ipinanganak si Stephanie Denise Esquivias Dos Santos noong August 16, 1994 at ngayo’y namamayagpag bilang isa VJ sa Myx Philippines at isang aktres. Hindi alam ng karamihan, si Tippy ay graduate mula sa University of the Philippines-Diliman sa kursong Family and Child Development.

Una siyang lumabas sa industriya ng telebisyon sa Morning Talkshow na Ruffa and I. Sinundan ito ng kanyang paglabas sa mga Variety Shows na 1Dol at Shout Out at sa Noon Time show na ASAP tuwing Linggo. May roles din na ginampanan si Tippy sa “Wansapanataym,” “Maalaala Mo Kaya” at sa mga TV Series na “Sabel,” “Growing Up,” “Princess and I” at sa “Galema, Anak ni Zuma.” Lumabas din siya sa mga local films katulad ng “I Do Bidoo Bidoo: Heto nAPO Sila!” (2012), “Raketeros” (2013), “Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel” (2013), “Once A Princess” (2014) at “Crazy Beautiful You” (2015). Nagkaroon din siya ng International Horror Movie Film na may title na “Abnomination.” Nagkaroon din siya ng ilang collaboration sa concert ng Backstreet Boys at Boyce Avenue dito sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan, siya ay isang VJ sa Myx Philippines. Sa kabila nito nakapag-release pa rin ng mga hit singles si Tippy katulad ng “Umpisa” (2013) kasama si Jensen Gomez, “Dati” (2013) kasama si Sam Concepcion, “Parang Wala Lang” (2015), “Kung Kaya’t Mahal Kita” (2016) at ang pinakalates na “Open Ended” (2017) kasama si Gio Levy.

Noong 2016, nakatanggap ng dalawang awards si Tippy mula sa Awit Awards bilang Best Performance by a Female at Best R&B Recording by Female Artist.

Maaari niyong i-follow si Tippy Dos Santos sa Facebook @officialtippydossantos , sa Twitter at Instagram @tippydossantos8

VIDEOGRAPHY

“Open Ended” -Tippy Dos Santos feat. Gio Levy (Official Music Video)

“Kung Kaya’t Mahal Kita” -Tippy Dos Santos (Official Music Video)

“Parang Wala Lang” -Tippy Dos Santos (Official Music Video)

“Dati” -Tippy Dos Santos & Sam Concepcion (Official Music Video)

“Umpisa” -Tippy Dos Santos & Jensen Gomez (Official Music Video)

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.