Panooring muli ang mga winning entry noong nakaraang MBC Short Film Festival!
June 8, 2022
Kabisyo, naghahanap ka ba ng magagawa sa buhay mo sa mga susunod na araw? Baka ito na ang sagot diyan! Muling ipalalabas ng MBC Short Film Festival ang mga nanalong entries noong nakaraang MSFF 2021! Oh ‘di ba bongga?
Hindi basta-basta ang mga short film na ipalalabas nila sa http://www.dzrh.com.ph/msff simula June 1 dahil ilan sa mga ito ay nakasali na at nanalo na rin sa labas ng bansa.
Una sa listahan ng mga ipalalabas ay ang “Titser Gennie” na siyang Grand Prix Winner at Best in Documentary noong MSFF 2021. Kuwento ito ni Titser Genie Panguelo na grabe ang sakripisyo para lamang makapagturo sa mga katutubo sa isang Aeta community. Biruin niyo, nagtitiis siya maglakad ng tatlong oras para lamang makaakyat ng bundok at makapagturo! Wala bang palakpakan diyan?
Linggu-linggo ay bagong entry ang mapapanood mo. Kaya abangan mo na ang mga short film na ito sa website ng MSFF:
- Best in Short Feature – “Excuse Me, Miss, Miss, Miss” by Sonny Calvento
- Best in Animation – “Stay” by Irenea Catalina Valencia
- Fan Favorite Award – “Last Piece” by Andrea Banagua
I-follow mo na rin ang Facebook page ng MBC Short Film Festival para updated ka sa mga ganap. Yoooowwwnnn!!!
COMMENTS