Manila Bay Clean-up Run 2019 June 25, 2019 Isama na ang iyong barkada, kapamilya, katrabaho o jowa para sa gaganaping Manila Bay Clean-Up sa darating na July 7, 2019. Ang fun run ay bukas sa lahat ng interesadong tumakbo sa 3K, 5K, 10K at 21K dibisyon na pambabae at panlalaki. Maliban sa medals, meron ding cash prizes at Ride-All-You-Can Star City tickets para sa mga top three winners per category. Para sa mga interesadong sumali, maaari ng magparehistro sa mga sumusunod: Manila Broadcasting Company (V.Sotto St. CCP Complex, Pasay City). Olympic Village outlets sa Festival Mall Robinsons Forum Farmers Plaza Patuloy na sumusuporta ang MBC at iba pang mga establishments sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa panawagan ng Land Bank na maibsan at linisin ang karagatan, ilog, estero at iba pang daluyan ng tubig na karugtong nito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang official Facebook page ng Manila Bay Clean-up Run. COMMENTS