Love Radio Manila: Nagbabalik na ang MBC Short Film Festival!
Sponsored Content
February 23, 2022
Kabisyo, dahil naging matagumpay ang nakaraang MBC Short Film Festival, muling binabalik ng Manila Broadcasting Company ang MSFF 2022 – isang patimpalak para sa mga propesyonal at nangangarap na maging filmmakers sa Pilipinas.
Ang MSFF ay tumatanggap na ng mga sasali para sa short features, documentaries, at animated film. Siguraduhin lamang na ang iyong obra ay hindi lalagpas ng 20 minuto at para #FeelGood ang ating patimpalak, ang inyong short film ay dapat nagpapakita ng kabutihan sa puso ng tao, ito man ay halaw sa katotohanan o kathang-isip lamang.
Mamimili ang mga batikang hurado mula sa industriya ng pelikula ng labinlimang finalists para sa final competition. Gaganapin ito mula Hulyo 15 hanggang Agosto 6, 2022 at lahat ng makakapasok sa final competition ay tatanggap ng P20,000.00.
Ang mga mananalo sa tatlong kategorya ay mag-uuwi ng P100,000 at magkakaroon ng pagkakataon na masungkit ang Grand Prix, kung saan makakapag-uwi pa sila ng karagdagang P100,00.00.
Sa kabuuan, maaring makapag-uwi ang isang short film ng tumataginting na P220,000, net of tax.
Hindi lang ‘yan, maari ka ring magpasa ng ibang short sa iba’t-ibang kategorya para mas marami kang pagkakataong mapili.
Ang deadline para sa pagpapasa ng iyong short film ay sa Mayo 20, 2022. Kaya Kabisyo, sali na sa kauna-unahang digital film competition ng Manila Broadcasting Company, ang MSFF 2022.
Para sa karagdagang impormasyon, magpunta lamang sa www.mbcfilmfest.com o mag-e-mail sa [email protected]com.

COMMENTS