Feel Good na online benefit event kasama sina, Kitchie Nadal, Barbie Almalbis, Luke Mejares at Kean Cipriano.
March 22, 2022
Kabisyo, hindi talaga nauubos ang mga taong may mabubuting puso na handang tumulong sa mga nangangailangan. Iba talaga kapag Feel Good ka na, nakatulong ka pa. Kaya naman panoorin niyo sa Sabado, April 2, 2022, 7PM ang AAAIM: Lead. Live & Love! An Online benefit event!
Mapapanood niyo ang online benefit event na ito sa Facebook page ng Love Radio Manila at hindi lang ito basta-basta, Kabisyo, lalo na at ang mga guest artist natin ay talaga naman pakaka-abangan mo! Andiyan sina Kitchie Nadal, Barbie Almalbis, Luke Mejares at Kean Cipriano. Tapos sasamahan pa tayo nina Mr. Greg Atienza mula sa AAAIM at ang ating nag-iisang “Basa Princess” DJ Raqi Terra as our host. Oh ‘di ba bongga!
Barbie Almalbis
Kitchie Nadal
Luke Mejares
Kean Cipriano
Layunin ng AAAIM na maipagpatuloy ang kanilang mga adbokasiya tulad na lamang ng pagsuporta sa industriya ng kawayan at pagsagip sa mga street children, mga kabataang biktima ng pang-aabuso. Sinusuportahan din ng AAAIM ang ating mga kababayang OFW at ang kanilang pamilya sa kanilang ekonomikal at sikolohikal na pangangailangan.
AAAIM visits the Laura Vicuna Foundation
Immersion in Barangay Laiban, Tanay, Rizal for Project Araw-Aral
Maaari kayong mag-donate sa Alumni Association of AIM gamit ang kanilang UnionBank account:
Bank Name: UNION BANK OF THE PHILIPPINES
Bank Branch: PASAY RD BRANCH
Account name: THE ALUMNI ASSOCIATION OF THE ASIAN INSTITUTE OF MANAGEMENT, INC.
Account number: 00-234-000-8287
Puwede ninyong i-email ang proof of donation sa [email protected] Para sa ibang detalye, maaari ninyong bisitahin ang Facebook Page ng AAAIM at sa https://www.aimalumni.org. Kitakits Kabisyo!
COMMENTS