Competition legs ng Aliwan Fiesta Digital Queen 2021, nagsimula na
September 14, 2021
Nagsimula na nitong September 11 ang competition legs ng Aliwan Fiesta Digital Queen 2021.
Haharap sa apat na Sabado na competition legs ang Top 12 finalists mula September 11 hanggang October 2 at nagsimula na nga iyan sa Launch and Pride of Place competition kung saan ipagmamalaki ng mga kandidata ang local pride ng kanilang mga lugar.
Sina Raqi Terra ng 90.7 Love Radio Manila at DJ Nick ng Easy Rock Manila ang makakasama nating hosts para sa competition legs.
Ang panel of judges na silang pipili ng susunod na Aliwan Fiesta Digital Queen ay ang beauty pageant blogger Norman Tinio, ang entrepreneur and content creator Patrisha Ashley Cayuca, si Mr. Allen Yotoko ng ACS Media Agency, Binibining Pilipinas Universe 1997 at image consultant Abbygale Arenas de Leon, at DZRH anchor Deo Macalma.
Nanggaling mula sa iba’t ibang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao ang mga kandidata kaya naman maipapamalas talaga nila ang yaman ng kanilang mga lugar.
Ang unang kandidata na si Angelie Gabrielle Estrada ay proud sa Puerto Princesa City sa Palawan bilang most biodiversed and rich province. Isa sa mga advocate niya ay resiliency kaya ipinakita niya ang Subaraw Biodiversity Festival. “We create consciousness through the environment and build happiness to our community,” sabi niya.
Mula naman sa Iloilo City si Coleen Beatrix Alcarde. Proud siya sa development ng kanilang lugar all throughout the year. Ang tawag nila ay ‘City of Love’ na pina-unlad ng infrastructure, construction, and road networks na nagpo-promote ng paggamit ng bisikleta bilang mode of transportation. Nabanggit din niya ang popular na Dinagyang Festival na buhay na buhay dahil sa Ati warriors at umaatikabong na beat ng drums. Hindi man makapag-celebrate ng festival dahil sa pandemic, tuloy ang saya dahil sa all-time favorite na ‘Batchoy.’
Si Sharmaine dela Cruz na mula naman sa Zamboanga City, ay nag-isa isa ng mga bagay na ipinagmamalaki niya sa kanilang lugar. Ilan diyan ay ang ‘Satti’ o pagkaing may spicy sauce, ‘puso,’ at inihaw nab aka at manok, ang mga ‘Yakan’ woven clothes na ginagawa ng mga indigenous women ng Zamboanga, at siyempre ang popular na ‘Vinta,’ at ‘Mascota.’ Mayroon din silang local dance na may Hispanic origin na hinaluan ng Muslim culture. Siyempre kasama sa mga bagay na proud na proud si Sharmaine ay ang kanyang mga kababayan na sina Hidilyn Diaz and Eumir Marcial dahil sa kanilang achievement sa Olympics.
Ang bayan ng Echague, ang tinatawag na ‘Queen Town ng Isabela, ay represented ni Keith Arboleda. Ipinakilala ni Keith ang mga tao sa Echague sa kanilang origin na ‘Yogads’ at ‘Mengals.’ Palay at mais ang backbone ng kanilang agriculture. Mayroon din silang mga popular destinations tulad ng Dipaniong Caves, Dissu-ur Lagoon, Dicalabbagin Falls at ang Ilaguen River Forest.
Ang susunod na kandidata ay si Shealtiel Kyze Cahilig, mula sa bayan ng Malay, Aklan. Gusto niyang ma-discover ng mga nanonood ang ganda ng Malay sa pag-celebrate ng ‘Fiesta de Obreros’ pati na rin ang pagdiskubre sa beauty of nature sa Nabaoy River at mala-paraisong isla ng Boracay. “As much as we love our municipality, we will gladly share it to any visitor who extend the same love,” sabi niya.
Si Jayvee Lyn Lorejo, mula sa bayan ng Mawab, ipinagmalaki niya ang Davao de Oro bilang ‘province of golden opportunities.’ Pinagmumulan daw ito ng creativity at possibility. Ipinakita niya ang mga ginagawa sa kanilang lugar tulad ng clay pot making, banana plantation, rice plantation, ang kanilang local bibingka at ang Bulawan Festival.
Mula naman sa San Manuel, Isabela si Vjie Matias. Kilala ang kanilang lugar sa Bambanti Festival gayundin sa kanilang agri-tourism and eco-tourism programs, ang culture of family values, at simbolo ng pagkakaisa ng mga tao roon. Nag-invest din ang kanilang lugar sa pagbuo ng man-made forest at gatas ng baka, gayundin ang paghabi ng ‘Inabel,’ ang iba’t ibang klaseng mga kakanin at pati na rin ang mga fish ponds bilang kabuhayan. Pinapahalagahan din sa lugar ang physical well-being ng mga tao kaya naman mayroon silang sports complex.
Si Shanyl Kayle Hofer, proud siyang maging ‘Honey ng Minglanilla,’ kaya naman proud din niyang ipinakita ang wonders ng kanilang bayan tulad ng ‘Campo Siete’ na isang man-made forest, ang pagdiriwang ng Kabanhawan Festival, at ang masasarap na ‘budbud’ at hopia.
Ipinakilala naman ni Jeramie Mingo ang Iligan City bilang ‘City of Majestic Waterfalls.’ Sa kanyang video, ipinakilala niya sa mga nanonood ang Diyandi Festival at mayroon ding quick trip sa mga popular na lugar sa Iligan tulad ng Macaraeg-Macapagal Ancestral House, Tomas Cabili Obelisk, Sendong Memorial Park, Mimbalot Falls, Centennial Park, St. Michael Cathedral, Holy Spirit Shrine at ang tinatawag nilang wet park. Mayroon din silang tinatawag na ‘Tartanilya,’ isang popular na mode of transportation sa lugar at ang masasarap nilang pagkain tulad ng lechon at mani.
Quick trip din ang naging gimmick ni Chynna Kaye Verosil sa probinsya ng Pangasinan. Inikot niya ang ilang bayan sa Pangasinan tulad ng Lingayen kung saan masarap ang bagoong and bucayo; sa pilgrim capital na bayan ng Manaoag kung saan makikita ang Minor Basilica ng Virgin Mary; ang bayan ng Mangatarem, ang lugar kung saan sine-celebrate ang Tupig Festival; ang bayan ng Bautista kung saan isinulat ni Julian Felipe ang Philippine National Anthem; sa bayan ng Bayambang, kung saan matatagpuan ang colossal bamboo statue ni St. Vincent Ferrer; the home of Bangus Festival, ang lungsod ng Dagupan; ang bayan ng Calasiao sa puso ng probinsya kung saan sikat ang Puto Festival; at ang lugar para sa island hopping, ang Alaminos City.
Mula naman sa Kalibo, Aklan ay si Cherry May Regalado, na proud sa pananampalataya at debosyon ng mga tao sa Sto. Niño sa pagdiriwang nila ng Kalibo Ati-atihan Festival. Ang gateway town to Boracay ay popular din sa kanilang piña weaving, malawak na mangrove forest, ang Tigayon Hills at ang masasarap na pagkain tulad ng ‘Tamilok,’ ‘Inubarang Manok,’ ‘Longganisa,’ and ‘Suman.’
Hoping for a back-to-back win ngayong taon si Krysti Ann Villarias, mula Cabadbaran City, Agusan del Norte. Adventure ang temang tinutukan niya. Sa Cabadbaran, pwedeng mag-paintball shooting, biking, swimming, hiking, at iba pang water sports.
Ang lahat ng competition legs pati na rin ang coronation night ay mapapanood sa DZRH TV, kasama na ang lahat ng social media platforms ng MBC: mula sa DZRH News, at sa FM band na Love Radio, Yes The Best, Easy Rock, Radyo Natin, at Aksyon Radyo.
Ang Aliwan Fiesta Digital Queen 2021 ay hatid sa atin ng Unique toothpaste, White Rose Papaya whitening soap, Charm fabric conditioner, TNT, Palmolive Naturals Ultra Smooth, and Shopee at Alfonso Light Brandy.
Para sa iba pang mga detalye: maaari niyong i-follow ang Aliwan Fiesta sa Facebook, Twitter at Instagram.

COMMENTS