Aliwan Fiesta Digital Queen Top 9 finalists, nagpasiklaban ng kanilang talent! Sponsored Content September 21, 2020 AFDQ 2020 – Talent/Skills Competition Highlights ICYMI: Here’s what happened during the Talent and Skills Competition of the first-ever #AliwanFiestaDigitalQueen! WATCH THE FULL SHOW HERE: bit.ly/AFDQTalentSkills Posted by Aliwan Fiesta on Saturday, September 19, 2020 Nagpasiklaban ng kaniya-kaniyang talent at skills ang top nine finalists sa pagpapatuloy ng Aliwan Fiesta Digital Queen competitions nitong September 19. Bitbit pa rin ng mga kandidata sa Talent and Skills competition ang ilan sa mga ipinagmamalaki ng kanilang mga lugar pati na rin ang iba’t ibang advocacies na mayroon sila. Kinanta ng candidate na si Nicole Angela Cresicini ang kantang “Island Called Boracay” na isinulat ni Ferns Tosco. Maririnig sa kantang ito ang nakakamanghang ganda ng isla ng Boracay. Hatid naman ni Sharon Idone ang isang cultural dance na hango sa Dinagyang Festival na ipinagdiriwang sa Iloilo. Pasok din sa kanyang performance ang panawagan sa laging pagsuot ng face mask, proper hygiene at physical distancing ngayong may pandemya. Kinanta ng pambato ng Naga City na si Esperanza Francisco ang kantang “When I Fall In Love” by Natalie Cole. Nag-perform siya kasama ang ilang miyembro ng koro. Inspiring din ang inawit ni Allyssa May Nicholls na “Rise Up” ni Andra Day. Nag-perform naman siya kasama ang isang banda sa Sultan Kudarat. Isang Hawaiian-themed na sayaw ang performance ni Alana Rhedey. Kapansin-pansin sa kanyang costume ang mga bagay na makikita sa Baguio City tulad ng mga bulaklak at tiger grass na ginagamit sa paggawa ng walis tambo. Sayaw naman bilang pagsaludo sa kababaihan ang tema ng performance ni Bianca Willemsen ng Consolacion, Cebu. Gamit niya sa pagsayaw ang kantang “Salute” ng Little Mix. Talent din ng ilang kandidata ang pagtugtog ng mga musical instruments. Ang pagtugtog ng piano ang ipinakita ni Jannarie Zarzoso ng Cabadbaran, Agusan del Norte. Ang bagong release na “How You Like That” ng BLACKPINK ang kanyang performance. Kakaibang instrument naman na violin ang tinugtog ni Jasmine Omay ng Tarlac City. Ang kanyang tinugtog ay ang classical na “La Vie En Rose” ni Édith Piaf. Kasabay ng kanyang inspiring words tungkol sa pag-asa at pagbangon sa pagkakamali ay ang pagtapos ni ni Katrina Anne Castañeda Johnson sa kanyang artwork. “Be hopeful, because your way in may just be your way out,” sabi niya. Tunay ngang talented ang mga kandidata kaya abangan mo sa susunod na leg ng competition ang kanilang galing sa Q&A at modelling! Ang lahat ng competition legs pati na rin ang Awarding and Coronation night ay mapapanood sa Facebook page ng Aliwan Fiesta at sa lahat ng social media platforms ng MBC: mula sa DZRH AM band, at sa FM band na Love Radio, Yes The Best, Easy Rock, Aksyon Radyo, and Radyo Natin. Mapapanood rin ito DZRH News Television, channel 18 sa Cignal, channel 129 sa Skycable, channel 3 sa Cablelink at sa lahat ng cable providers nationwide. Ang Aliwan Fiesta Digital Queen 2020 ay hatid sa atin ng Unique toothpaste, White Rose Kojic whitening soap, Charm fabric conditioner, Tanduay at ng Palmolive Naturals Ultra Smooth. Para sa iba pang mga detalye: maaari niyong i-follow ang Aliwan Fiesta sa Facebook, Twitter at Instagram. PANOORIN ANG BUONG TALENT AND SKILLS COMPETITION DITO. COMMENTS