Aliwan Fiesta Digital Queen 2020, opisyal nang sinimulan ang competition legs Sponsored Content September 12, 2020 LAUNCH AND PRIDE OF PLACE HIGHLIGHTS ICYMI: Here are the highlights of #AliwanFiestaDigitalQueen 2020 Launch and Pride of Place. Posted by Aliwan Fiesta on Saturday, September 12, 2020 Inumpisahan ng Launch and Pride of Place ang competition legs ng Aliwan Fiesta Digital Queen nitong Sabado, September 12, kung saan ipinagmalaki ng mga kandidata ang local pride ng kanilang mga lugar. Sina Nicole Hyala at Chris Tsuper ng 90.7 Love Radio Manila ang makakasama nating hosts para sa competition legs. Ang panel of judges na silang pipili ng kauna-unahang Aliwan Fiesta Digital Queen ay sina Jessey Anne Guiam or Raqi Terra mula sa 90.7 Love Radio Manila, Mr. Edzel Ty mula sa Tanduay, Ms. Mai mula sa ACS, ang pageant coach na si Mr. Norman Tinio at singer-songwriter na si Ms. Nicole Laurel Asensio. Nanggaling mula sa iba’t ibang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao ang mga kandidata kaya naman maipapamalas talaga nila ang yaman ng kanilang mga lugar. Si Jasmine Omay na mula sa Tarlac City ay proud sa kanilang mga delicacies at social works. Isa sa mga ito ay ang Betty’s Special Native Cakes sa kanilang mga kakanin at “Kapit Roll.” Kilala rin ang Tarlac dahil sa Kaisa Women Organization na gumagawa ng sari-saring handicrafts at ang BJMP Tarlac Jail Dormitory na gumagawa naman ng mga beaded bonsai. Ang pride naman ng Consolacion, Cebu na si Bianca Wilhelmina Willemsen, ipinakilala ang kanilang fiesta na Sarok Festival na tampok ang kanilang mga sombrero na gawa sa kawayan at tuyong dahon ng saging. Ipinakita naman ni Jannarie Zarzoso ang ipinagmamalaki ng Cabadbaran City, Agusan del Norte na lugar ng katahimikan at kapayakan na pinagyaman pa ng tradisyon at kultura na ginawa pang mas exciting dahil sa mga water activities na pwedeng gawin dito. Galing sa Baguio City naman ni Alana Rhedey. Bukod sa mga tourist destinations at masasarap na pagkain, bahagi din ng promotion ni Alana ang pag-ampon sa mga stray animals dahil member din siya ng Baguio Animal Lovers League. Bahagi din siya ng unveiling ng “Kalasag” mural bilang pagkilala sa mga frontliners ngayong may pandemya. Naging mas special naman ang natural beauty and white beach ng Boracay sa Aklan dahil kay Nicole Angela Crescini, na ipinakilala ang mamamayan doon bilang masikap at masisipag lalo na ang mga Ati na bahagi ng kanilang komonidad doon. Kombinasyon naman ng beauty at cultural heritage ang ipinagmamalaki ni Katrina Anne Castañeda Johnson tungkol sa Davao City. Kilala ang syudad sa mga tourist destinations pati na rin sa Kadayawan Festival na tampok ang native fruits nila na durian at mangosteen. Mula naman sa “happy place” na Naga City sa Camarines Sur si Esperanza Francisco. Kilala ang syudad sa kanilang Peñafrancia fiesta kung saan nagsasama-sama ang relihiyon, kultura at pananampalataya ng mga tao. Bukod sa likas na relihiyosong lugar, patok din doon ang mga pagkain, handicrafts at ang kanilang Bicolano hospitality. Ang “City of Love,” na Iloilo naman ang pinagmulan ni Sharon Villan Idone. Mayaman din ang lungsod sa masasarap na pagkain, mabubuting mamamayan at mga tourist attraction tulad ng Bucari Leon, ang summer capital ng Iloilo, the Sinamay House of local weavers, Miag-ao Sunflower farm, Sta. Ana Church at ang La Paz Batchoy. Si Allyssa May Nicholls ay mula sa probinsya ng Sultan Kudarat na mayaman sa mga agricultural lands ng kape, saging, African oil, palay at mais. Pasok din ang kanilang mga tourist attractions katulad ng Fekung Bula Falls, La Palmera Mountain Ridge, at ang Balot Island. Ang lahat ng competition legs pati na rin ang Awarding at Coronation night ay mapapanood sa Facebook page ng Aliwan Fiesta at sa lahat ng social media platforms ng MBC: mula sa DZRH AM band, at sa FM band na Love Radio, Yes The Best, Easy Rock, Aksyon Radyo, and Radyo Natin. Mapapanood rin ito DZRH News Television, channel 18 sa Cignal at channel 129 sa Skycable Ang Aliwan Fiesta Digital Queen 2020 ay hatid sa atin ng Unique toothpaste, Charm fabric conditioner, White Rose Kojic whitening soap, Tanduay at ng Palmolive Naturals Ultra Smooth. Para sa iba pang mga detalye: maaari niyong i-follow ang Aliwan Fiesta sa Facebook, Twitter at Instagram. I-CLICK ANG LINK NA ITO PARA MAPANOOD ANG BUONG LAUNCH AT PRIDE OF PLACE SHOW. COMMENTS