Sinuwerte sa asawa | Byahe ni Red

September 19, 2022

Gustong ipaalam ng Biyahe Sender nating si Red sa buong mundo kung gaano niya na-a-appreciate ang asawang si Marlene.

Taong 2009 noong nagkakilala sila via Friendster. Ito ang itinuturing ni Red bilang lowest point ng kaniyang buhay dahil sa taong ding ito nawala ang Mama niya sa cancer.

Nakapagtapos sila ng college, nagkaroon ng stable jobs hanggang sa ikinasal noong 2016. Makalipas ang dalawang taon ay isinilang ang kanilang panganay. At matapos ang halos isang dekada ng pag-upa, nakapagpatayo rin sila ng sariling bahay nitong nakaraang taon.

Ngayong taon, ipinagbubuntis ni Marlene ang ikalawa nilang anak. Hanggang ngayon, hindi makapaniwala si Red kung gaano siya ka-swerte kaya’t gano’n na lamang ang pasasalamat niya rito.

Pakinggan natin kung ano ang ipinayo sa kanya ni DJ Lala Banderas.

Share your comments here or be a Byahe Sender! I-send lamang ang inyong kwento sa Byahe Textline: 09178514329. Pakikinggan ka namin, Kabisyo!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.