Pinagpalit sa malapit | Byahe ni LC

August 1, 2022

Umabot ang relationship ng ating Byahe Sender at ang kaniyang ex-girlfriend ng 3 years. Nagkakilala sila dahil sa kanilang mutual friend at dito na nga nagsimula na mahulog ang loob nila sa isa’t isa. Masaya na  para bang roller coaster ang relasyong ito subalit hindi katagalan ay nagbago ito.

Nang dahil kailangan umalis ng bansa ng ating Sender na si LC  para makasama ang kaniyang nanay, kinausap nito ang kaniyang girlfriend noong mga panahong iyon tungkol sa mga puwedeng gawin sa kanilang relasyon habang sila ay LDR.

Dito na nga nagsimula ang maraming pagaaway at may nakarating din na balita sa kaniya na siya ay niloloko ng kaniyang girlfriend. Binalewala niya ito pero dahil napuno na sa ka-toxic-an ng kanilang relasyon ay hiniling nito na mag-cool off muna. Pero, wala pang isang linggo e may post na ang kaniyang jowa that time na may iba na itong lalaki. Naka-move on na nga ang lahat pero si LC, hindi pa. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ayaw pa niya umuwi ng Pilipinas. Pakinggan ang payo ni DJ Lala Banderas.

Share your comments here or be a Byahe Sender! I-send lamang ang inyong kwento sa Byahe Textline: 09178514329. Pakikinggan ka namin, Kabisyo!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.