Paano ba kita mapapatawad, ‘tay? | Byahe ni Gio

July 28, 2022

At the age of 13, lumaki po ako ng malayo sa pamilya dahil pinagmamalupitan po ako ng tatay ko, binubugbog niya po ako at maging ang nanay namin ay sinasaktan niya sa harapan naming magkakapatid. Ito’y dahil ang prinsipyo niya dapat siya ang nasusunod dahil siya ang tatay.

Bata pa lamang ang ating Byahe Sender ay sinasaktan na silang mag-ina ng kaniyang Tatay.

Dahil nga rito, napilitan siyang magpakalayo ng mahigit 15 years sa kaniyang pamilya para lang iwasan ang ganitong pangaabuso mula sa kaniyang ama at hindi niya na ito kayang pakisamahan.

Bumalik siya sa kaniiyang pamilya at umaasa na may pagbabago mula sa kaniyang ama pero matapos ang ilang taon ay bumalik din ito sa dati.

Pilit niyang nilalapit ang kaniyang sarili pero naguguluhan ang ating Sender sa kaniyang sitwasyon at hindi na niya alam kung paano mapapatawad ang ama nito.
Ano kaya ang ipinayo ni DJ Lala Banderas?

Share your comments here or be a Byahe Sender! I-send lamang ang inyong kwento sa Byahe Textline: 09178514329. Pakikinggan ka namin, Kabisyo!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.