May feelings pa ‘ko kay ex | Byahe ni Fibonacci

November 11, 2022

May feelings pa rin ang Byahe Sender nating si Fibonacci para sa kaniyang ex-boyfriend.

Nagsimula ang relasyon nila dahil sa peer pressure no’ng fourth year high school sila pero kalauna’y minahal din nila ang isa’t-isa. 

Naghiwalay sila makalipas ang dalawang taon pero napanatili nila ang kanilang samahan. Lumalabas pa rin silang magkasama, pumupunta sa bahay ng isa’t-isa kahit nagkaroon na ng ibang girlfriends ang ex-boyfriend niya.

Tuluyan na silang nagkahiwalay noong 2019 pero hanggang ngayon, nasasaktan pa rin si Fibonacci sa t’wing naaalala niya ang nakaraan.

Pakinggan natin kung ano ang ipinayo sa kanya ni DJ Lala Banderas.

Share your comments here or be a Byahe Sender! I-send lamang ang inyong kwento sa Byahe Textline: 09178514329. Pakikinggan ka namin, Kabisyo.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.