Mag-aasawa na ba ako? | Byahe ni Karie

September 21, 2022

Naguguluhan ang Byahe Sender nating si Karie kung tatanggapin niya na ba ang alok na pag-aasawa o tutulong muna sa pamilya.

Dalawang buwan na lamang ay matatapos na sa pagte-training bilang sundalo ang boyfriend ni Karie. Tinawagan siya nito at ipinaalam ang planong pag-aasawa pagka-graduate.

Gustuhin man niyang tanggapin ito dahil napamahal na rin siya sa boyfriend ay iniisip niya na may pamilya pa itong dapat munang suportahan. Nangako naman umano itong hindi pababayaan ang pamilya kahit may asawa na.

Gayunpaman, nahihiya rin si Karie sa kapatid niya na malaki ang sakripisyo para sa kanilang pamilya. Ang kapatid niyang ito ang tumulong sa kaniya no’ng nag-aaral pa siya.

Pakinggan natin kung ano ang ipinayo sa kanya ni DJ Lala Banderas.

Share your comments here or be a Byahe Sender! I-send lamang ang inyong kwento sa Byahe Textline: 09178514329. Pakikinggan ka namin, Kabisyo!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.