aliwan fiesta banner aliwan fiesta banner

Iniwan mo ‘ko! – Byaheng Closure ni Ara

May 3, 2023

 

Ang byahe sender ngayon ay si Ara, isang tao na nagmahal at nagpalaya.

Kasama ang buong pamilya nila, nangako silang dalawa sa harap ng altar na habang buhay silang magsasama, araw-araw, at hindi maghihiwalay.

Kaso sa hindi inaasahang pagkakataon, naiwan si Ara. Naiwan dahil “nauna” na siya.

Ang tanging katanungan na lamang sa puso ni Ara ay paano niya haharapin ang bukas na wala ang kaniyang kasinatahan. Hindi na sanay si Ara na wala ang kaniyang kasintahan.

Minsan naiisip na lamang ng ating byahe sender na sana sinama na lamang siya kung nasaan man ang kaniyang kasintahan ngayon dahil walang kahit anong eroplano, sasakyan, o barko ang kayang magdala kay Ara sa kaniya.

Sinasabi na ng mga ibang tao kay Ara na palayain at hayaan na niya maging mapayapa ang kaniyang kasintahan ngunit laging depensa ni Ara ay paano naman siya, paano kung hindi niya kaya? Marahil tama ngang palayain na nga ni Ara, kaya sa sariling mga salita ni Ara “Malaya ka na. Hanggang sa muli nating pagkikita”

Panuorin pa ang ibang mga storya dito kasama si DJ Lala Banderas.

Share your comments here or be a Byahe Sender! I-send lamang ang inyong kwento sa Byahe Textline: 09178514329. Pakikinggan ka namin, Kabisyo

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.