‘DI PA RIN AKO TINATANGGAP – Byaheng People Pleaser ni Miko
May 19, 2023
Para sa ating biyahe sender na si Miko, kakayanin niya ang lahat para lang sa mga importanteng tao sa kanyang buhay.
Ngunit hanggang saan nga ba ang pasensya ng isang tao, lalo na sa pamilya ng kanyang katuwang sa buhay? Tiniis niya ang pang hahamak ng mga ito dahil sa kanyang propesyon bilang isang driver.
Hindi naman ito naging hadlang kay Miko para patuloy na ligawan ang buong pamilya at patunayan sa kanilang karapat dapat siya sa kanyang minamahal. Nagbunga ang kanyang paghihirap nang payagan silang mag isang dibdib.
Taon na ang lumipas, hindi pa rin nawala ang pagpabulaanan sa kanya ng mga ito, kahit na may malago na siyang negosyong bumubuhay sa sarili niyang pamilya. Hiling lamang ng ating byahe sender na respetuhin na lamang siya bilang tao, kahit hindi na bilang parte ng kanilang pamilya.
Kakayanin mo ba kung ikaw ang nasa posisyon ni Miko? Ginawa mo na ang lahat, ginagalang mo pa rin sila kahit niyuyurakan na nila ang pagkatao mo, ngunit lahat ng ito ay hindi pa rin sapat.
Tunghayan ang kwento ni Miko dito kasama si DJ Lala Banderas.
Share your comments here or be a Byahe Sender! I-send lamang ang inyong kwento sa Byahe Textline: 09178514329. Pakikinggan ka namin, Kabisyo.
Related Contents
-
Happy OFW – Byaheng Pamilya ni Len
June 1, 2023
-
Hindi Na Ako Nangulila – Byaheng Happy Ending ni Bea
May 30, 2023
-
Enough is Enough – Byaheng Self-Respect ni Sarah
May 22, 2023
Comments