aliwan fiesta banner aliwan fiesta banner

Bata Pa Lang, Pressured Na – Byaheng Overthinking ni Valeen

May 12, 2023

 

Ang byahe sender nating si Valeen ay sa pagtanda pa lamang ay pressured na sa kaniyang mga magulang.

Laging kailangan mataas ang grade, bawal mag boyfriend, bawal mag barkada, bawal mawala sa honor roll, kasi pag may nagawa si Valeen kahit isa dito ay nadidisappoint na agad ang kaniyang mga magulang.

Kabataan pa lang ramdam na ni Valeen ang pagkaka-mahigpit ng kaniyang magulang. Pero inisip niya na lamang na para rin naman ito sa sarili niyang kapakanan. Nung makatungtong na sa kolehiyo si Valeen ay dito na siya unang makaramdam ng pagka dismaya, dahil iba ang gusto ng magulang ni Valeen para sakaniya. Passion kasi ni Valeen ang music.

Tinahak ng ating byahe sender na si Valeen ang pagduduktor na ginusto para sakaniya ng kaniyang mga magulang, kada taon tinitiis ni Valeen ang hirap dahil takot at ayaw niyang madissappoint ang kaniyang Nanay at Tatay, kaya tinutuloy niya lang ang pag duduktor.

Minsan nga’y napapaisip na lamang si Valeen kung habang buhay na lamang siyang hirap at takot makadissappoint.

‘Yan si Valeen, napepresure sa buhay, Ni-hindi nakaranas ng masasayang experiences mula pagkabata at pasok sa byaheng overthinking.

Panoorin pa ang ibang mga storya dito kasama si DJ Lala Banderas.

Share your comments here or be a Byahe Sender! I-send lamang ang inyong kwento sa Byahe Textline: 09178514329. Pakikinggan ka namin, Kabisyo

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.