Under Ako – Byaheng Bugbog Sarado ni Ken
May 2, 2023
Akala ng ating byahe sender na si Ken na sa pelikula lamang nangyayari ang kaniyang naranasan.
Nakilala ni Ken si Dianne sa kanilang pinagtatrabahuhan dahil sa kaniyang personalidad at nakakatuwa rin siya. At dahil do’n nauwi sa ligawan at napunta na nga sa kasalan.
Ang akalang magiging “Happy Ending” nilang dalawa ay nahantong sa hindi inaasahang pangyayari, doon magsisimula ang pagkawala ng pagkalalake ni Ken.
Sobrang selosa si Dianne at madalas bulyawan habang nasa inuman, nagkaroon na nga ng palayaw ang byahe sender natin. Under the saya ang tawag sa kaniya ng kaniyang mga kaibigan, hindi umangal si Ken dahil nangako siya sa altar na habang buhay niyang mamahalin si Dianne.
Diretso uwi ang ating byahe sender dahil may mga gawaing bahay pa siyang dapat gawin kagaya ng laba, linis, at luto.
Hindi nagreklamo ang ating byahe sender kahit minsan nababato na siya ng kung ano-ano, kapag naman kulang ang sahod nasasabihan pa si Ken ng walang silbi, walang pakinabang at ang pinakamasakit sa lahat puro hirap ang dinala sa buhay ni Dianne.
Dumating ang araw na umalis na lang si Dianne at sumama sa kaibigan ni Ken na marino, hindi daw kasi ganun ang buhay na pinangarap niya para sa sarili niya. Marahil hindi na muli magmamahal si Ken at ibubuhos niya na lamang ito sa kanilang dalawang anak.
Panuorin pa ang ibang mga storya dito kasama si DJ Lala Banderas.
Share your comments here or be a Byahe Sender! I-send lamang ang inyong kwento sa Byahe Textline: 09178514329. Pakikinggan ka namin, Kabisyo!
Related Contents
-
Happy OFW – Byaheng Pamilya ni Len
June 1, 2023
-
Hindi Na Ako Nangulila – Byaheng Happy Ending ni Bea
May 30, 2023
-
Enough is Enough – Byaheng Self-Respect ni Sarah
May 22, 2023
Comments