‘Yung inakala mong may chemistry si Nicole Hyala at Chris Tsuper

August 8, 2019

NAKAKALURKEI. NAKAKALOKA. NAKAKADIREEEEEE!!! Hahahaha. Partner Chris Tsuper, bakit tayo gumanito? Wala ba tayong pambili ng kape dati? Dapat nag-kape tayo, para ninerbyos man lang tayo. Hahahaha.

Ang Throwback Thursday video na ito ay para sa lahat ng inakalang magkakatuluyan kami dati. Dios ko po! #ThrowbackToOurFirstRecordingAlbum

Posted by Nicole Hyala on Wednesday, August 7, 2019

Isa ka bang Tambalanista? Pumunta ka ba sa mall tour na ‘yan?

Malamang isa ka sa mga kilig na kilig noong panahong iyon dahil sa malakas mong panalangin na sana magkatuluyan si Nicole Hyala at Chris Tsuper. HAHAHA!

Ayan oh, may naiwang ebidensya ‘yung isang mall tour dati na pinipilit nilang magkaroon ng chemistry pero wala talaga eh. Kinantahan na’t lahat ng “Bakit ‘Di Totohanin,” wala naman palang dapat totohanin. HAHAHA!

Bagay ba? Umaasa ka pa rin ba?

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.